Mahal, anong nangyari?
Ba't mo ako iniwan,
Iniwan sa kawalan
Ng walang kaalam-alamMahal, anong nangyari?
Ako'y nagkulang ba?
Kulang pa ba
Patawad dahil ako'y ubos na ubos naMahal, anong nangyari?
Ayaw mo na ba,
Kasi nandyan na siya?
Kasi siya'y mas maganda?Mahal, anong nangyari?
Puso ko'y nasira
Ng sinabi mong "ayoko na"
Dinurog mo ang aking kaluluwaMahal, anong nangyari?
Ano bang kailangan kong baguhin
Para ako'y magustuhan mo
At mahalin dinMahal, anong nangyari?
Lahat ng pangarap
Lahat ng hinahangad
Ay naging bula na biglang nawalaMahal, anong nangyari?
Bakit iba na ang iyong mahal?
Dahil ba siya'y angat
At ako'y hibang lamang?
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoetryCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...