Yung pikon mong tropa
Nagbibiro ka lang naman,Hindi na maipinta ang mukha
Pero pag siya nagbiro, sobra sobra.Yung hugutera mong kaklase
Lahat ng iyong sinasabi,
Dinudugtungan ng kung ano-ano
Masabi lang ang nilalaman ng kanyang pusoYung gago mong katabi
Na nang gugulo tuwing may klase
Laging hindi mapakali
Na para bang sa pwet niya, may bulateYung kaibigan mong hindi ngumingiti
Himala kapag nangyari
Sobrang seryoso,
Hindi na mabiroYung kaklase mong grabe tumawa
Na para bang lalabas na yung ngala-ngala
Walang paki kung mapagalitan,
Basta makatawa lang.Yung joker ng tropa
Walang buhay kapag wala siya
Siya ang nagpapatawa
Kahit korny ang joke, mapasaya lang ang barkada.Yung bully mong kaibigan
Hindi mabubuo ang araw kung walang naaasar
Pag may napagtripan,
Sobrang saya na niyan.Yung tropa mong bastos
Ang sarap igapos
Pag itlog na ang pinauusapan,
Laging nabubuhayanYung muse ng barkada,
Laging may nakapila
Para namang may tinitinda
Madaming nagkakagusto sa kanyaYung talkshit mong kaklase
Tinatamad daw kasi
Laging nagiisip ng dahilan
Para hindi makapunta sa galaanYung malandi mong tropa,
Gagong-gago talaga
Lahat na pinatos
Parang hindi natataposYung paasa mong crush
Lagi kang nginingitian
Para namang may something na sa inyong pagitan
Pero yung totoo wala namanYung nakakainis na si Ma'am
Kung makasermon kala mo perketo
Nakakaurat din minsan
Pero wag ka, magaling yan magturoYung napakagulo niyong section,
Laging pinagiinitan ng mga guro
Parang malaking basurahan
Pero sobrang saya naman ditoNatapos ang saya ng mag graduation na
Nakakalungkot pero kailangan ng bitiwan ang ating mga kaibigan
Masaya na malungot
Kasi dito na magtataposKay sarap balikan ng mga masasayang ala-ala
Kung saan saan ka dinadala
Sobrang bilis talaga ng panahon
Na para bang kahapon lang naganap ang mga iyonMga kulitang nagtapos na,
Mga lakad na drawing lang pala,
Mapapa tangina ka na lang talaga sa mga kalokohan
Ng inyong tropa.Mga nakakatawang biruan
Pagsasamang hinding hindi ko makakalimutan
Kahit kailan man.
Dahil ako'y pinasaya niyo ng lubusanPinagdarasal na maulit tong muli
Dahil kay tagal na nung huli
Sana naman ay mabuo ulit ang ating pagsasama samaSapagkat miss na miss ko na ang buong barkada ♡
-
miss y'all
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoesíaCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...