Ikaw ang ang sentro ng buhay ko
Ikaw ang naging ilaw ko sa gitna ng dilim
Ikaw ang nagpapasaya sa akin
Ikaw ang nagsisilbing liwanag kapag naidilat na ang aking mga mataSayo umiikot and aking mundo
Na tila ba tayo lang ang tao rito
Ikaw ang aking enerhiya
Enerhiya sa tuwing ako'y napapagod naPero pakiramdam ko'y ako lang
Ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa
Na ikaw ay tila nagpapagod na pero wag naman sanaAng liwanag ay naging kulay itim
Ang aking paningin ay nagdilim
Na tila ba'y tumigil ang ikot ng aking mundo
At iniwan mo na si akoSana'y ito'y bangungot lamang
Sana nama'y ako'y gisingin niyo na
Sapagkat hindi ko na kaya
Hindi ko na kaya ang sakit na bumabalot sa aking pagkatao
Gisingin niyo na ako sa masamang panaginip na itoPero sa kabilang dako ng aking isipan
Wag na pala. Wag niyo na pala ako gisingin
Dahil unti-unting rumerehistro sa aking isipan na hindi na tama
Na hindi na pala tama na ginagawang mundo ang dapat ay tao lang.
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoetryCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...