Ang Salitang "Tayo"
By: CaitlinBilang panimula,
Gusto kong sabihin na
Alam kong merong "ikaw at ako"
Pero syempre, walang tayo.Isang beses, nang oras na ng pagkain,
Ika'y aking niyaya at sinabing "Tara, tayo'y kumain"
"Kain lang walang tayo," ang sabi mo sa akin.
Ako'y napatanga.
Alam kong nagbibiro ka lang pero nasaktan ako ng sobra.Biro para sayo,
Pero mahal, pakinggan mo
Ang tunog ng nagwa-watak-watak kong puso
Na tila ba pinapahiwatig na ako'y sinaktan mo.Ang salitang "tayo",
Para sayo biro
Pero para saakin
Ay nais nang mag katotooAng salitang "tayo"
Ay binubuo lang ng apat na letra
Pero kung tamaan ako,
Sobra-sobraAlam kong walang salitang "tayo"
Sa bokabularyo mo
Pero meron para saakin
Dahil gusto kong ika'y mapasaakinSabi nga sa pelikula,
"Walang sigurado..."
Kaya malay mo,
May pagasa ang salitang "tayo"Sabi pa nga'y
"... kailangan mo lang maniwala."
Kaya mahal, paniwalaan mo sana
Na magiging "tayo" naSana nga,
Sana hindi lang hanggang "baka",
Sana hindi lang "sana"
Sana mag katotoo na talaga.-
Sige, asa pa. 😏
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoetryCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...