Galing lang 'to sa journal ko sa fil kasi napansin kong parang ginawa ko siya tula kaya ilalagay ko na dito. Haha.
"Ano ang kaligayahan?"
-
Kaligayahan
By: CaitlinAng totoong kaligayahan ay mararamdaman mo kapag ika'y nakumpleto na,
Maaaring madami ka munang maranasang sakuna,
Bago ka tuluyang maging masaya.
Medyo komplikado pero sulit kapag nakamtan mo na.Ang kaligayan ay kapag wala ka ng alangan.
Meron mang itong hangganan,
Pwede mang waksan,
Sulit naman.Ang kaligayahan ay kapag nangingiti ka na lang dahil kuntento ka,
Wala ng basta-basta,
Masaya,
At wala ng iba.Ang kaligayahan ay yung tipong mapapasabi ka na lang ng,
"Wala lang masaya lang ako."
Hindi naman kasi kailangan ng dahilan.
Madami kasing nasa isipan.Mararamdaman mo na lang bigla,
Babae, lalake o miksi mo shokla,
Pwedeng maging masaya
At ngumiti ng parang walang problema.-
((:
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoetryCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...