Panyo
By: CaitlinPanyo
Para sa mga luha
Kelan nga ba maglalaho,
Mga sakit na naidulot mo?Panyo
Panyo na ikaw mismo ang nagbigay
Sabi mo pa nga'y
"Pupunasan ko ang iyong mga luha."Bakit mo sinabi iyon?
Alam mo bang ikaw din ang nagdulot ng luhang ito?
Buti pa ang panyo,
Inaalis ang kalungkutang tumutulo.Panyo
Pang-punas ng pawis dulot ng pagkapagod
Pupunasan mo lang ang pawis
Pero wag kang tuluyang mapagod sa labanPanyo
Pang alis ng dumi
Pangsukob sa ulan
Pang takip kapag ika'y naaarawanButi pa ang panyo
Tinatanggal ang lahat ng sakit
Buti pa ang panyo
Hindi katulad moPinoprotektahan ang puso
Pinupunasan ang luha,
Sinasakloban ang galit
Tinatakpan ang hinanakitMapupunasan mo pa din ba?
Ang luha na ikaw ang nagdala?
Ang sakit na dahil sa iyong galit?
Ang mga malulungkot na mata ng dahil sa iyong pananalita?-
SORRY MEDYO PANGIT 😓
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoetryCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...