4 | Hanggang Dito Na Lang

10.5K 135 10
                                    


Lahat ng kanta'y may katapusan,
Bawat tula'y may hangganan.
Lahat ng pangyayari'y kailangan ng waksa'n.
Mga oras na nagdadaan.

Bawat sandaling nagtatapos,
Na para bang ako'y ginagapos.
Ginagapos sa kulungan ng takot.
Takot na ito'y magtapos.

Oo, mahal kita.
Mahal na mahal kita,
Higit pa sa iba.
Ngunit ako'y nasasaktan na.

Oo, mahal kita.
Mahal kita..pero, tama na.

Ibibigay ko na ang kalayaan mo.
Ibibigay ko na ang kalayaan mo na para bang ika'y nakakulong.

Nakulong sa rehas ng aking puso na tila'y bagot na bagot na sa loob.

Papakawalan na kita.
Na para bang gustong gusto mo ng makalaya.
Makalaya..kasama siya.

Kasama ang bago mo.
Kasama ang makakapag pa-saya sayo,
Higit pa sa ginagawa ko.

Ayoko..

Pero, kailangan.
Kailangan kitang palayain na para bang ika'y nakapagpiyansa na.
Ika'y napayansahan na niya.
Kaya kailangan na kitang pakawalan at palayain,

Sa rehas ng aking puso,
Na labis na nagmamahal para sayo.

Pero sa kasuluk-sulukan ng aking utak,
May nagtatanong

'Sino nga ba ako para sayo?'
Ika'y mahal ko.
Pero, iba mahal mo.

Tanggap ko.

Maging masaya ka.
Para sa sarili mo,
Para sa kaniya,
Para sakin.
Paalam mahal,
Sapagkat hanggang dito na lang.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon