Chapter 1

217 5 0
                                    

Jacelle's pov

Sabi ng mga pulis, hindi pa daw nila nahuhuli ang pumatay kay Joan pero nakakita daw sila ng isang Bracelet sa tabi ng bangkay ni Joan.

Hindi ko pa nakikita yung bracelet kasi sabi ng mga pulis, kailangan wala daw munang makaalam kasi lahat ng taga subdivision,pinaghihinalaang suspek.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit nakita ko yung pangyayaring yun, kung bakit nasa panaginip ko yun? Nalilito na ako.

Ilang araw akong hindi nakakatulog dahil sa pangyayari. Pagkatapos ng bangungot na iyon, parang ayoko ng pumikit. Natatakot ako.

"Jace, are you okay? "

Sumulyap ako kay Chae, ngumiti ako sa kanya. Andito na naman sya, siguro para piliting pumasok na ako ng school. Ilang araw na rin akong absent. Ayoko muna, gusto ko munang mag isip kung bakit nangyari ang lahat ng yun.

"Jace, ang laki na ng eyebags mo, tapos ang laki na ng ipinayat mo. Wala ka ba talagang balak kumain at matulog? Tsaka pumasok ka na sa school, please lang. Nag aalala na talaga sayo sina Clyde"

"Jace wala ka ba talagang balak pansinin ako? Ngingitian mo na lang ba ako palagi? "

"Jace. I know masakit para sayo ang pagkawala ni Joan. Pero kailangan mo rin isipin sarili mo. Maraming nag aalala sayo. Nawala na nga si Joan, pati ba naman ikaw? Jace, we miss you."

Pumasok ako sa kwarto ko at nilock ko iyon. Gusto ko munang mapag isa.
Tama si Chae. Kailangan ko rin isipin ang sarili ko, kailangan ko ring isipin yung ibang taong nag aalala sakin.

Kinabukasan gaya ng sabi ni Chae. Kailangan ko ng pumasok. Maaga akong nagising, para ayusin ang mga gamit ko. I had a dream last night kaso hindi ko na sya maalala paggising ko. Ang alam ko lang, masaya ito, kasi minulat ko ang mga mata ko ng nakangiti.

Umpisa na ito para magmove on sa mga nangyari. Pero alam ko hindi kami titigil hanggat hindi namin nalalaman kung sino ang pumaslang kay Joan.

"Jace? Waaah kamusta ka na? "

Niyakap ako ng mga kaibigan ko, at tinanong lang nila ako ng paulit ulit. Nakikita ko sa mga mata nila na nag aalala sila, pero hindi ko pa pwedeng ikwento sa kanila ang nakita ko sa panaginip ko. Kung maaari lang, ayoko ng balikan pa iyon.

"Jace, about dun sa pagbabakasyon natin sa lumang mansion nila Clyde. Sasama ka na ba? "

"Alam mo Jace, lahat kami sasama. Ikaw lang hindi, sumama ka na"

"Kung andito sana si Joan---"

Nakita kong siniko ni Chae si Brenna.
Alam ko na alam nila na si Joan lang makakapagkumbinsi sakin. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin gusto ang ideya nilang pagbabakasyon sa lumang mansion nila Clyde.

"Siguro ang lungkot ko pag nagbabakasyon na kami"

Napatingin ako kay Clyde. Nakangiti na naman sya, yung ngiti nyang yun.. nasa utak ko na ata. Palagi kasi syang nakangiti eh.

"Bakit naman? "

"Hindi kasi sasama si Jace, wala ng magpapangiti sakin"

"Susss. Lakas mo pre haha"

"Hahaha"

"Tama na. Nagbublush na si Jace oh hahaha"

Ayan na naman sila. Napangiti ako. Sana palaging ganito. Yung masaya lang, walang problema.

Nang natapos ang klase. Umuwi na ako. Pagkarating ko sa bahay, may mga pulis sa loob ng bahay. Anong meron?

Pagkabukas ko ng pinto. Bumungad sa akin si tita na kinakausap nung mga pulis.

"Miss. Ikaw ba si Jacelle Gomez? "

"O-opo b-bakit? "

"Maaari ka bang sumama samin? Kakausapin ka lang namin saglit"

Napatingin ako sa hawak na supot ng plastik nung pulis na kumausap sakin. Nakapaloob doon yung bracelet na puro bakas ng dugo.

Paano napunta iyong bracelet doon?
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang bracelet na iyon ay ang.....bracelet ko.

Bloody NightmareWhere stories live. Discover now