Chapter 5

110 3 0
                                    

Jacelle's pov

"Chae, about dun sa napanaginipin mo na sinabi mo sakin...."

"About kay Jacob?"

"Oo, talaga bang ako yung nakita mong babae?"

"O-oo Jace eh pero wag mo na isipin yun, baka panaginip ko lang."

Nanaginip din si Chae? Pero ang kaibahan lang, hindi nangyari yung panaginip nya at higit sa lahat malinaw sa kanya yung pumapatay sa panaginip nya.

Ako? Sigurado ba syang ako yung nakita nya? Minasahe ko ang sentido ko, ang sakit sa ulo.

"Sir, maam. Sino po sa inyo si Clyde Yanson?"

"Ako po"

"Sir, nakumpirma po naming hindi nagpakamatay ang biktima ,may pumatay sa kanya. Ikinalulungkot ko pero wala kaming nakuhang kahit anong ebidensya, masyadong malinis ang pagpatay"

"Pero..."

"Sir, wag kayong mag alala ,hindi kami titigil hanggat hindi namin nakikita kung sino ang pumatay sa kanya"

"Salamat po"

"Mauna na kami, mag iingat kayo dito"

I rolled my eyes, hindi na ako naniniwala sa mga pulis na yan. Ganyan din ang sinabi nila sa pagkamatay ni Joan. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita kung sino ang pumatay sa kanya.

Sabi ni tita, sya na daw bahala sa lahat. Gusto ko rin sanang tumulong para mabigyan ng hustisya si Joan, pero pinilit ako ni titang sumama sa bakasyon na ito. Siguro gusto nyang ienjoy ko ang bakasyon at kalimutan ang problema. Pero hindi ganun kadali makalimot.

Si Clyde, alam ko hindi rin sya titigil hanggat di nabibigyan ng hustisya ang karumal dumal na pagkamatay ni Manang Rez.

Sana makatulong ako.

"Mabuti pa magpahinga na lang tayo, gustuhin ko mang umalis na tayong lahat dito. Walang maghahatid satin, nasabi ko na kay Manong Gary na sa next week pa tayo kaunin dito, naka sched na rin na may gagawin sya ngayong linggong ito kaya gustuhin ko mang tawagan sya para kaunin tayo ngayon, I dont think na papayag sya, may importante rin syang ginagawa ngayon, sorry. "

Bloody NightmareWhere stories live. Discover now