Jacelle's pov
Sa pagpikit ko ng aking mga mata, bigla ko syang nakita.
Si Lucy.....
Hindi ko man sya naaalala pero biglang may kumirot sa puso ko na nagsasabing sya yung kaibigan ko.
Sya nga si Lucy pero bat sya ang nakikita ko ngayon? Iba ang inaasahan kong makikita ko sa panaginip ko pero anong nangyari?
"Sharmaine, tinawag mo ako. May gusto ka bang sabihin sakin?"
"A-ano? Hindi kita tinatawag, ang plano ko ay ang makita kung nasaan na sila Athena ngayon. Anong ibig mong sabihin?"
"Marahil ay tinawag ako ng iyong isipan. Tandaan mo Sharmaine, isipin mo lang ang taong gusto mong makita sa iyong panaginip, makikita mo ang kasalukuyang nangyayari sa kanya"
"Ibig sabihin, kahit patay na kaya kong makita?"
"Parang ganun na nga, kakaiba ang iyong abilidad kaya kailangan matutunan mo kung paano kontrolin yan. Wag kang mag alala di magtatagal, malalaman mo din kung paano gamitin yan. "
"S-salamat, pero Lucy maaari mo ba kaming tulungan?"
"Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo ngayon, kaya mo yan Sharmaine"
"Pero Lucy..."
"Sana bumalik na lahat ng alaala mo..."
Pagkasabi nya nun, para syang nagiging liwanag. Tinakpan ko ang mata ko dahil sa nakakasilaw ang dalang liwanag nito. Unti unting nawala ang liwanag na parang bula.
Sana nga Lucy, bumalik na lahat.
Inisip ko kung nasaan sina Athena. Kasabay rin nun ang paglabas ng mga imahe nila Athena na naglalakad ngayon sa gubat.
Para akong nanonood sa telebisyon pero pakiramdam ko kasama ko sila ngayon. Pakiramdam ko andito lang ako sa likuran nila at pinagmamasdan ang gagawin nila.
Alam ko hindi nila ako nakikita kaya mas lumapit pa ako sa kanila para makinig ko ang pinag uusapan nila.
"Asan na ba talaga yung daan palabas dito sa gubat na to? Akala ko ba alam mo Kai?"
Maarte ang pagkakasabi dun ni Grae."Naliligaw yata tayo"
"Arghh nakakainis, eh kung bumalik na lang kaya tayo sa kubo?"
"Alam mo ba ang daan pabalik?"
"Tss, kasalanan mo ito eh"
"Guys, tama na yan. Hindi nakakatulong yung pagtatalo nyo"
Pag aawat ni Athena sa nagtatalong sina Kai at Grae.Napatingin ako kay Chae, tahimik lang sya habang nakatingin sa malayo.
"Asan na kaya sila Jace , nagkita kita na kaya silang tatlo?" Habang sinasabi ni Athena yun ,nakatingin lang sya kay Chae.
"Ewan"
"Ikaw, Kai. Bakit hindi ka sumama kila Caleb na puntahan si Jace?"
"Hindi ko alam, hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako"
"Chae, totoo ba talaga yung sinasabi mo kanina?"
Napatingin ako kay Chae at hinihintay syang sumagot.
"JACE!!! JENNIEEE!"
Napatingin ako sa paligid, boses ni Caleb yung naririnig ko. Asan sya, andito ba sya ngayon?
Napatingin ako kila Chae, parang wala silang narinig. Nakita kong magsasalita na si Chae kaya lang parang may humihila sakin palayo sa kanila.
Napabangon ako sa pagkakahiga ko, napatingin ako sa paligid. Nasa harapan ko si Jennie, at wala na sina Chae sa harapan ko.
Napatingin kami sa tumatakbong si Caleb habang sinisigaw ang pangalan namin.
"JACE! JENNIE! Andito na ako, naghintay ba kayo, sorry natagala---"
Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Binatukan ko sya ng malakas. Nakakainis sya.
"Aww, what's that?"
"Batok? Gusto mo isa pa?"
"Uhh, no no no, teka ano bang ginawa ko?"
"Ginising mo ko!"
"Yun lang?"
"Anong yun lang, dahil sayo. Hindi ko narinig kung ano yung sasabihin ni Chae!"
"Uh, kasi. Sorry. Hindi ko naman alam na ginagamit mo pala kanina yung ...ano bang tawag dyan,basta.. Yung ability mo. Matulog ka na lang ulit, hehe"
Nagpeace sign pa ang loko. Inirapan ko sya at kinuha yung mga gamit na hawak hawak nya ngayon.
Pumalpak yung plano ko, hindi ko pa rin sigurado kung sya nga yung pumapatay.
Hinalungkat ko yung mga gamit nila. Una kong tinignan yung kay Kai
YOU ARE READING
Bloody Nightmare
Horror-COMPLETED- Kapag nananaginip tayo, pilit nating binubuksan ang ating mga mata para tumakas ..para makatakas sa panaginip na ayaw na nating balikan. Pero paano kung ang pagbukas ng iyong mga mata ay may kapalit na parusa. Kapag binuksan mo ang iyong...