Jacelle's pov
"Ehem"
Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Kai at pinuntahan si Chae.
"Ikaw ha, yieeh ikwento mo sakin pinag usapan nyo dali dali"
"Chae, wala!! Ano? May signal na ba cellphone mo?"
"Change topic, haha. Wala eh tara bumalik na tayo"
"Ano? Wala? Nasa bundok ba tayo? Weird."
Bumalik na kaming tatlo sa van. Kanina ko pa napapansin na parang kanina pa naiirita si Clyde. Siguro gusto nya na talagang umuwi.
Nakikipagbiruan na si Chae kina Brenna ,napangiti ako. Atleast medyo hindi na nila iniisip yung nangyari kay Jacob. Masakit para saming lahat yun pero kailangan naming ipagpatuloy ang buhay namin.
Hindi ko na ata kakayanin pag may nawala pa samin.
"We have no choice guys, kailangan nating maghanap ng matutulugan natin ngayon"
"No way, nah-ah hindi ko ata kakayaning matulog sa damuhan na yan"
"Kaya nga maghahanap diba? Hala Brenna dyan ka matulog sa damuhan"
"Tss, whatever bakla"
Sa huli wala rin kaming nagawa kundi maghanap ng mapagsstayan. It's either sa van lang kami forever o maghahanap kami ng kahit kubo dito para matulugan.
Hindi sumama samin yung bagong driver. Doon na lang daw sya sa van maghihintay. Hahanapin na lang daw nya kami kapag may dumaan ng mga tao.
Kanina pa nagmumuktol si Brenna dahil sa putik ng daan. Si Grae naman panay ang bara kay Brenna.
Paano kaya kung andito pa si Athena. Siguro tulad pa rin kami ng dati. Masaya. Sya kasi ang clown ng grupo , hindi sya nawawalan ng energy at pag malungkot kami o natatakot, palagi nya kaming napapangiti agad.
Tandang tanda ko pa nung nagtransfer sya sa school namin.
"Hi guys, my name is Athena Collins ,just call me Thea. Sana marami akong maging kaibigan dito, that would be all thank you !"
Bago umupo nagflying kiss pa sya. Nagtawanan ang mga kaklase namin dahil sa siglang dala ni Athena. Umupo sya sa tabi ni Grae.
Ang amo ng mukha nya, mukha syang mahinhin sa una pero pag nakilala mo na talaga sya ,mapagkakamalan mo syang baliw. Pag papasok pa lang sya tuwing umaga, sisigaw agad sya ng good morning. At masiglang pasasayahin ang mga kaklase.
Dahil sa kagandahan nya, sya ang napiling muse ng team nila Kai sa basketball.
Kaibigan nya ang lahat sa klase, pero madalas syang sumasama samin dahil naging bestfriend nya si Grae.
Nung dumating rin si Athena sa grupo, hindi lang saya ang dinala nya. Dahil sa kanya, nagbreak kami ni Kai.
"Jace, I'm sorry please let me explain"
"No Kai. Nakita ko ang lahat kaya please, tigilan mo na ako. Mabuti pa maghiwalay na lang tayo"
"Jace...."
I saw them... kissing. Parang sinasaksak ang puso ko nun. Bakit si Athena pa? Kasabay nung paghihiwalay namin ni Kai. Hindi na namin nakita si Athena.
Simula rin nun, ang dating maingay na grupo biglang tumahimik dahil wala na ang nagpapasaya samin ,si Athena.
Hindi namin alam ang dahilan kung bakit nag drop out si Athena sa school. Hindi rin alam ng mga kaibigan namin kung bakit kami naghiwalay ni Kai. Hindi ko na sinabi sa kanila yung nakita ko. Kaibigan namin si Athena. Kahit galit ako sa kanya, ayaw kong magalit rin sa kanya sina Chae.
Nung una nagalit ako sa kanya pero lumipas din yung galit na yun. Mas nangingibabaw yung pagkakaibigan namin kaya kung babalik si Athena, magiging masaya rin ako.
"Guys, ayun may kubo!"
Agad kaming nagtakbuhan malapit doon sa kubo.
Maliit lang sya at nag iisa dito sa gitna ng gubat. Pumasok kami don. Walang kahit anong nasa loob, maliban sa mga dahon na nahulog siguro galing sa mga puno.
"Pwede na dito"
"Nakakatakot naman"
"Wag ka na ngang magreklamo Brenna"
Pinulot namin ang mga dahon, at nilinis ang mga kalat at dumi.
Mabuti na lang nadala namin yung mga kumot at unan namin dito."Wala bang banig dito? Ang lamig ng sahig" pagrereklamo ni Brenna
"May mga extrang kumot akong nadala, kaya pwede na siguro yung gawing banig. Don't worry makapal at malawak naman yun"
Sabi ni ClydeMay mga kaluskos kaming narinig dun sa labas kaya dali dali kaming pumunta sa labas ng kubo.
Apat na tao ang nakita namin, para rin silang nawawala.
May mga bag silang malalaki at mukhang may hinahanap ata."EXCUSE ME"
Pagkasigaw ni Grae, nagsilingunan yung apat. Dalawa ang babae at dalawang lalaki.
Pagkalingon nila, nagulat ako ng makita ko ulit siya..
Si Athena.....
YOU ARE READING
Bloody Nightmare
Horror-COMPLETED- Kapag nananaginip tayo, pilit nating binubuksan ang ating mga mata para tumakas ..para makatakas sa panaginip na ayaw na nating balikan. Pero paano kung ang pagbukas ng iyong mga mata ay may kapalit na parusa. Kapag binuksan mo ang iyong...