Jacelle's pov
"Athena?"
Lumapit silang apat at nakumpirma kong si Athena nga yung isa sa kanila..
"Grae? Kayo nga"
Agad niyakap ni Athena si Grae at tumingin samin ng nakangiti.
Nang mapatingin sya sakin, hindi ko maiwasang umiwas ng tingin. Gosh, this is awkward."Namiss ko kayo guys, teka anong ginagawa nyo dito? Tsaka where's Jacob and Joan?"
"Ah mahabang kwento siguro mamaya na lang natin sila pag usapan. Kayo? Anong ginagawa nyo dito?"
"We're lost, nagbabyahe lang kami ng biglang nasira yung sinasakyan naming apat ,naghintay kami ng dadaan pero wala, kaya naghanap kami ng pwedeng mastayan dito kasi dumidilim na then yun nakita namin kayo. Anyway, sila nga pala yung mga kaibigan ko, si Caleb,Gio at Jennie"
"Actually, ganun rin nangyari samin eh. What a small world, nagkita kita ulit tayo Athena"
Nagpakilala kaming lahat sa mga kaibigan nya. Pumasok na ulit kami sa loob ng kubo para doon na magpalipas ng gabi.
Parang familiar sakin si Jennie, hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.
"Parang mas gumaganda ka Athena ah"
"Naku, bola pa Brenna haha"
Hindi ko alam kung masaya ba sila dahil naligaw kami o ano eh. Dahil nakita na ulit namin si Athena at makakasama pa dito sa gubat mukhang nalimutan na nila yung nangyayari.
I want to go home.
"Hi, Jacelle right?"
Lumapit sakin yung isa sa lalaking kasama ni Athena. Si Caleb, chinito sya at may hikaw sa kaliwang tainga. Sa pormahan pa lang nya alam kong playboy sya.
"Anong kailangan mo?"
Imbis na sagutin nya ko, tumawa lang sya ng mahina at sumunod na kina Athena.
"Athena was right, you're really beautiful"
Mahina lang ang pagkakasabi nya nun pero narinig ko pa rin sya. Wth.
Napagplanuhan naming hatiin kami sa tatlong grupo para maghanap ng pagkain at kakailanganin naming ngayong gabi tulad ng mga kahoy, prutas .etc
Sina Athena, Grae at Brenna ang magbabantay sa mga gamit namin dito sa kubong nahanap namin. Sina Clyde, Gio at Jennie naman ang nakatokang maghanap ng mga kahoy at iba pang pwedeng gamitin para gawing bonfire mamayang gabi, sila na rin ang bahalang maghanap ng mga pwedeng magamit at makakatulong samin sa pagsstay sa kubo.
Ako, si Caleb ,Kai at Chae naman ang nakatokang maghanap ng mga pagkain na pwede naming makain tulad ng mga prutas na maaari naming makita dito sa gubat.
Sa dami daming makakasama ko sa paghahanap ,sina Caleb at Kai pa. Okay lang sana kung si Chae na lang kasama eh. Si Athena ang naggrupo saming lahat, hindi ko alam kung nananadya ba sya.
Sinimulan na naming maghanap ng punong maaaring mapagkunan ng prutas na pwede naming makain. Tahimik lang kaming naglalakad ng may marinig kaming agos ng tubig sa may bandang kaliwa.
Sinundan namin ang tunog, tama nga ako. May dagat dito, nasa isla ba kami?
"I didn't know ,nasa isla pala tayo? Haha" -Caleb
"Tss, porket may dagat isla na agad?" -Chae
Pinagpatuloy namin ang paghahanap ng pagkain nang may makita kaming puno ng mangga.
Medyo mababa lang ang puno kaya madaling akyatin, sa tingin ko kaya kong umakyat.
"Oh ano guys? Sino ng aakyat?"
"Ako na lang"
Nagvolunteer na ako kasi base sa itsura nila, parang wala silang balak umakyat dyan sa punong yan
Wala silang sinagot, pero sinimulan ko ng umakyat sa puno.
"Teka"
May humawak sa braso ko, si Caleb. Ano bang gusto nito?
"Masyadong delikado, kumuha na lang tayo ng panungkit"
"Tama sya, masyadong delikado kung aakyat ka"
Pag sang ayon ni Kai sa sinabi ni Caleb.Nakahanap agad ng panungkit si Caleb, isang mataas na kawayan.
Sinimulan nya ng sungkitin yung mga mangga.Tama sya, mas madali kung susungkitin namin ito. Maraming mangga ang nahulog at sinimulan na namin itong damputin.
Nakahanap rin kami ng ibat ibang prutas na makakain namin tulad ng buko at iba pa.
Nagpahinga muna kami saglit sa nakita naming dagat kanina. Tahimik lang naming pinagmamasdan ang dagat.
Tanging tunog ng agos ng alon lang ang naririnig namin."Jace"
Napatingin kaming lahat kay Caleb na syang bumasag sa katahimikan.
"Bakit?"
"Did you forgive her already?"
Alam kong si Athena tinutukoy nya. Ano ba sya ni Athena, at bakit nya alam ang tungkol sa nangyari samin ni Athena.
"Maybe yes"
"Tss, not sure?"
Hindi na ako sumagot sa tanong nya. Hindi ko alam kung bakit kanina pa tahimik si Chae. Hindi man lang ba nya ako tatanungin kung about saan yung tinanong sakin ni Caleb?
Weird.
"Caleb, can I ask you something?" -Kai
"Sure"- Caleb
"Kaano ano mo si Athena?"- Kai
"Cousin"
Maikling tugon ni Caleb. So, Athena was his cousin, huh.
Napatingin ako kay Caleb na kanina pa nakatingin sakin. Napansin yun ni Chae pero ipinagsawalang bahala nya yun ,ibinalik nya ang tingin sa dagat. Parang ang lalim ng iniisip nya.
I sighed. Tumayo ako at nagpaalam sa kanilang maglalakad lakad lang sandali.
"Balik ka agad ha"- Kai
Akala ko sasama si Chae pero tulad kanina, nakatitig pa rin sya sa dagat.
Nagsimula na akong maglakad habang pinagmamasdan ang paligid. Sobrang tahimik dito. Parang gusto ko na tuloy tumira dito.
Napatigil ako ng marinig ko ulit ang boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
" umalis na kayo dyan..."
Hindi ko alam pero tumakbo ako agad pabalik kina Kai.
YOU ARE READING
Bloody Nightmare
Horror-COMPLETED- Kapag nananaginip tayo, pilit nating binubuksan ang ating mga mata para tumakas ..para makatakas sa panaginip na ayaw na nating balikan. Pero paano kung ang pagbukas ng iyong mga mata ay may kapalit na parusa. Kapag binuksan mo ang iyong...