Jacelle's pov
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ikaw si Sharmaine, ang bestfriend ni Lucy. Yung mga laman ng kahon....mga litrato nyong dalawa. Mga bata pa lang kayo, kayong dalawa na ang magkasundo sa bahay ampunan. Kasi bali balita na... Hindi kayo normal, may kakaibang abilidad kayo na wala ang ibang tao. Nakikita ni Lucy ang hinaharap at ikaw..."
Hinawakan ni Jennie ang kamay ko bago nya pinagpatuloy ang pagkekwento nya.
" Kaya mong makita ang kasalukuyang nangyayari sa isang tao o lugar kung gugustuhin mo kapag natutulog ka. You can even change the future kung gugustuhin mo"
Yun ba ang dahilan kung bakit nakita ko ang mga nangyaring pagpatay sa mga kaibigan ko?
Pero bakit ako?"Pero bakit puro pagpatay ang mga nakikita ko?"
"Dahil hindi mo alam kung paano kontrolin yung abilidad mo, kusa mo itong nagagamit ng hindi mo sinasadya, since nagkaamnesia ka, hindi mo na alam kung paano ito gamitin"
"Bakit ko nakalimutan lahat ng yan?"
"Nang mamatay si Lucy, wala na akong naging balita sayo, ang alam ko lang may umampon sayo matapos nyong maaksidente ni Lucy. Yun rin ang dahilan kung bakit nagkaamnesia ka."
"Patay na si Lucy?...."
"Oo, ikaw lang ang nabuhay sa sinasakyan nyong bus noon...Sharmaine, bago mamatay si Lucy, binigay nya sakin yung diary nyong dalawa. Ipinadala ko na yun sa bahay na tinitirhan mo ngayon, natanggap mo na ba?"
Natandaan ko nung tumawag sakin si tita. May natanggap syang itim na kwaderno, baka iyon ang tinutukoy ni Jennie.
"Sa tingin ko natanggap ko"
"Nakasulat lahat dun ang pinagdaanan nyong dalawa tungkol sa mga abilidad nyo..."
YOU ARE READING
Bloody Nightmare
Horror-COMPLETED- Kapag nananaginip tayo, pilit nating binubuksan ang ating mga mata para tumakas ..para makatakas sa panaginip na ayaw na nating balikan. Pero paano kung ang pagbukas ng iyong mga mata ay may kapalit na parusa. Kapag binuksan mo ang iyong...