Jacelle's pov
Wala akong nakitang kahit ano sa mga gamit nila. Mukhang mali ang hinala ko.
"Paano ba talaga natin malalaman kung sino ang pumapatay?"
"Hindi ko rin alam Caleb, siguro kailangan lang natin maghintay"
"Kailangan nating magplano kung ano gagawin natin kung sakaling tayo ang isunod nung killer"
Naghanap kami ng mga bagay na makakatulong samin. May mga nakita kaming tinidor sa gamit nila Grae. Nilagay namin ito sa bulsa namin in case na kailanganin namin.
Kumuha rin kami ng tig iisang kahoy na pwedeng ipanlaban. May tig iisa rin kaming pepper spray sa bulsa namin. May mga first aid kit sa bag ni Jennie kaya itinabi muna namin ito sa bag nila Athena.
May nakita akong isang syringe na nakakalat sa mga gamit nila. Kinuha ko ito at tinago rin sa kabilang bulsa ko.
Ang plano namin ay ako lang ang matutulog ngayong gabi habang silang dalawa ang magbabantay.
Kailangan kong makita sina Athena ngayong gabi.
Maya maya pa ay nakatulog na rin ako. Inisip ko kung nasaan sila Athena.
Nakita ko si Grae na naglalakad mag isa. Teka, bat wala syang kasama?
Palingon lingon sya sa paligid na parang may hinahanap. Naliligaw sya.
Shit, paano ko sya tutulungan?
Hindi ko pa alam kung paano ko sya kakausapin sa panaginip ko. Hindi ko pa kayang kontrolin ng maayos itong abilidad na meron ako.
Sinubukan ko syang tawagin kaya lang para syang walang naririnig.
Sobrang dilim na ng paligid ,tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw para makita ko kung ano ang ginagawa ngayon ni Grae.
Nakikita ko yung takot sa mga mata nya. Nagsisimula na akong mainis sa sarili ko. Bakit ba hindi ko kayang matulungan sya.
Akala ko ba kaya ko ring baguhin ang kapalaran ng isang tao?
Pero paano?Sinubukan kong isipin kung nasaan sila Athena ngayon.
Magkakasama pa rin silang tatlo ngayon. Hindi ba nila napapansin na hindi na nila kasama si Grae?
Lumapit ako sa kanila.
"Asan na ba si Grae?"
"Hindi pa rin natin sya nakikita, eh kung magpahinga kaya muna tayo"
"Pero kailangan na natin syang makita,delikado kung nag iisa sya sa gubat"
Napatingin ako kay Kai sa sinabi nya. Buti pa kay Grae nag alala sya.
Ano ba tong naiisip ko, nakakainis. Dapat hindi na ako magpaapekto pa sa kanya. He doesn't care anymore.
Bumalik ako kung nasaan ngayon si Grae. Kailangan nyang malaman kung nasaan ngayon sila Athena. Tama si Kai, delikado kung nag iisa sya ngayon.
Sinubukan ko syang hawakan pero lumalampas lang ang kamay ko sa kanya.
Anong gagawin ko?
May narinig akong kaluskos ng mga dahon. Kasabay nun ang pag ihip ng malakas na hangin.
Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa lamig ng hangin.Narinig kong may sumisipol sa likuran ni Grae. Napatingin ako kay Grae. Naiiyak na sya sa takot.
Tumingin ako sa taong nasa likuran ni Grae. Nanlamig ang katawan ko ng makita ko ang taong yun, may dala syang martilyo habang sumisipol pa rin sa likuran ng nanginginig na si Grae.
Nakamaskara sya pero mahahalata mong isa syang babae. Napatingin ako sa kamay nya, kaliwa... Kaliwang kamay ang ginagamit nya.
Isa akong kaliwete, hindi kaya... She did all of this for a purpose.
Pero ngayon, kailangan ko munang tulungan si Grae.
"Kapag binuksan mo ang iyong mga mata, mamamatay sila, Kapag tinulungan mo sila.. mamamatay ka."
Hindi ko alam kung saan galing ang tinig na iyon, pero isa lang nasa isip ko.
Handa akong mamatay, matulungan lang ang mga kaibigan ako.
Matagal ko ng naririnig ang tinig na iyon na bumubulong sakin.
Sino ba talaga ang may ari ng boses na iyon?Bumalik sa akin lahat ng nangyari simula una, simula sa pagkamatay ni Joan hanggang sa makarating kami sa gubat na ito.
Isa lang ang pumasok sa isipan ko...
Ang lahat ng ito ay pinlano nya simula una pa lang.
Napatingin ako kay Grae na kasalukuyan ng tumatakbo at tinataguan ang babaeng kanina lang ay nasa likuran nya.
Kailangan ko syang tulungan.
Inisip kong kausapin si Jennie sa pamamagitan ng panaginip. Pumasok ako sa isipan nya at sinabihan ko syang pumunta sa lugar kung nasaan ngayon si Grae.
Sinabi ko sa kanya ang eksaktong lugar kung nasaan si Grae ngayon.
Akala ko nung una hindi gagana ang naisip ko. Nabigla rin ako na kaya ko palang gawin yun.
Sana makita agad nila si Grae.
Napatingin ako kay Grae. Nakatago sya sa malaking puno.
Habang nasa kabilang dulo naman ang babaeng nakamaskara.Lumapit ako kay Grae para bantayan sya kahit na alam kong wala akong magagawa sa ngayon.
Maya maya pa'y nabigla ako sa pagdating nya, ni Athena. Sinabihan nya si Grae na wag gumawa ng kahit anong ingay.
Dahan dahan silang naglakad palayo dun sa babaeng nakamaskara na patuloy ang paghahanap dun sa kabilang dulo.
Napahinga ako ng maluwag ng makita kong nakalayo na ng tuluyan sina Grae.
Lumapit ako dun sa babaeng nakamaskara.
Napatitig ako sa kanya, ayoko man aminin pero mukhang sya nga yung pumapatay.
Tumulo ang luha ko sa katotohanang pumasok sa isip ko. Bakit sya pa?
Pinunasan ko ang luha ko at unti unti ko ng minulat ang mga mata ko mula sa pagkakatulog.
Pero bago ko man tuluyang maimulat ang mga mata ko, tinanggal nya ang maskara nya habang nagngingitngit sa galit dahil natakasan sya nila Grae.
Pagkatanggal nya ng maskara nya, tumulo muli ang mga luha ko. Kasabay rin nun ang tuluyang pagkamulat ng mga mata ko. Bakit ikaw pa?
Chae....
YOU ARE READING
Bloody Nightmare
Horror-COMPLETED- Kapag nananaginip tayo, pilit nating binubuksan ang ating mga mata para tumakas ..para makatakas sa panaginip na ayaw na nating balikan. Pero paano kung ang pagbukas ng iyong mga mata ay may kapalit na parusa. Kapag binuksan mo ang iyong...