Jacelle's pov
Agad akong nakarating sa punong nakita ko sa panaginip ko.
Hindi ako nagkamali, totoo ngang nangyayari ang nakikita ko sa panaginip ko, pero paano? Bakit? Bakit nakikita ko ang mga nangyayari sa panaginip ko?
Agad akong lumapit sa katawan ni Clyde, wala na syang buhay.
Ang sama ko, hindi ko sya natulungan. Hanggang kelan ba ako maduduwag, bakit hindi ko magawang lumaban?"O MY GOSH!!, CLYDE?"
Napalingon ako sa kanila na kanina pa ko sinusundan, lumapit sila kay Clyde.
"Anong nangyari?"
"H-hindi ko alam"
"Dalhin natin sya sa kubo, dalian nyo"
Agad nilang binuhat ang bangkay ni Clyde at dinala sa kubo.
Nakayuko lang ako at nakatingin sa sahig habang tinatakpan nila ng tela ang bangkay ni Clyde.Hindi ko na kaya ko to, sino ba talagang pumapatay. Bakit iniisa isa nya kami. Ayoko na.
"Kailangan na nating makaalis sa gubat na ito"
"Paano natin ipapaliwanag sa magulang ni Clyde yung nangyari?"
"Bakit ba nangyayari satin to?"
Halos lahat kami naguguluhan na sa nangyayari. Hindi ko na rin alam. I'm useless kaya wala akong alam.
"You look exhausted, pahinga ka muna"
Hinawakan ni Kai ang braso ko, at pinaupo muna para makapagpahinga.I know na gusto nila akong tanungin kung bakit ako sumigaw bigla at kung paano ko nahanap agad si Clyde pero nahihiya lang silang magtanong.
Mas mabuti na rin yun kasi ayokong magpaliwanag, masyadong mahirap ipaliwanag ang nararanasan ko ngayon.
Nararamdaman kong kanina pa may nakatingin sa direksyon namin ni Kai. Lumingon ako sa kanila at nahuli ko syang nakatingin pero agad syang umiwas ng tingin. Si Athena.
May sinusulat sya sa kwadernong lagi nyang dinadala sa kung saan. Natatandaan ko yun, ang diary nya.
Nasabi nya na samin na kapag natatakot sya o kinakabahan, nagsusulat sya para maibsan yung takot nya. Sinusulat nya dun yung nararamdaman nya baka daw sakali kung isulat nya yung nararamdaman nya doon sa notebook nya, maramdaman nyang may nagpapahalaga at may handang makinig sa kanya.
Naiintindihan ko sya, ganun din siguro ako nung bata pa ako. Kaya lang hindi ko na masyadong maalala yung mga nangyari sakin nung bata pa ako, I don't know why.
Napatingin ako sa kamay nya habang nagsusulat sya, kaliwa ang ginagamit nya. I almost forgot, kaliwete nga pala sya.
Kaliwete si Athena.
"Guys, hindi pa rin natin nakikita si Brenna"
"Buti pinaalala mo , aishh nakalimutan ko rin si Brenna, ang sama kong kaibigan"
"Hanapin na lang natin sya"
Si Brenna. Nakakuyom ang palad ko habang nakatingin sa kanilang lumalabas ng kubo para daw hanapin si Brenna.
Hindi ko na napigilang umiyak, hindi ko makakalimutan ang pagtawag nya sakin para humingin ng tulong, pero hindi ko sya tinulungan. Kahit anino lang niya yung nakita ko habang tinututukan sya ng baril, Alam ko na nagmamakaawa sya saking tulungan ko sya.
Pero anong ginawa ko, pinabayaan ko sya. Ako ang may kasalanan ng lahat.
Napatingin ako sa natutulog pa rin na si Chae, kami na lang palang dalawa naiwan dito
Pinahid ko ang luha sa mga pisngi ko. Simula ngayon magiging matapang na ako.
Hindi ko na hahayaang may mawala pa samin ng wala akong ginagawa.
Mga ilang minuto ang lumipas, dumating sila habang umiiyak si Grae, napatingin ako kina Gio, karga karga nila ang wala ng buhay na si Brenna.
Napatingin ako sa ulo ni Brenna, dito sya tinamaan ng baril. Napagawi ang tingin ko sa braso nya, katulad nung nakita ko sa braso ni Clyde, may nakasulat din sa braso nya, Gehenna.
Nagising ang kanina pang natutulog na si Chae. Nanlaki ang mata nya ng makita ang bangkay ni Brenna.
Akala ko iiyak sya o magtatanong kung anong nangyari pero hindi ko inasahan yung sinabi nya.
"May napanaginipan ako, ikaw na ang isusunod nya Jace"
YOU ARE READING
Bloody Nightmare
Horror-COMPLETED- Kapag nananaginip tayo, pilit nating binubuksan ang ating mga mata para tumakas ..para makatakas sa panaginip na ayaw na nating balikan. Pero paano kung ang pagbukas ng iyong mga mata ay may kapalit na parusa. Kapag binuksan mo ang iyong...