Chapter 10

81 4 0
                                    

Jacelle's pov

Pagkarating ko sa lugar na pinag iwanan ko kina Chae. Wala na sila.

Asan sila?

Shit, hindi ko kabisado ang daan pabalik ng kubo.

Sinubukan kung sumigaw baka sakaling marinig nila ako ,pero walang nangyayari.

Umupo ako sa ilalim ng punong nakita ko. Tumitig na lang ako sa dagat at pinagmasdan ang paligid.

Hindi ko namalayang unti unti ng tumutulo ang luha ko. Bakit ba ang useless ko. Nakakainis.

"Jace"

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Si Kai.

Kasalanan ko naman talaga kung bakit kami naghiwalay eh. Hindi ko man lang pinakinggan ang paliwanag nya sakin.

Nagkamali ako, at ngayon nagsisisi na ako kasi hanggang ngayon sya pa rin pala ang mahal ko. Akala ko tapos na pero hindi pa pala.

"Kai"

Umupo sya sa harapan ko at pinahid nya ang luhang pumatak sa pisngi ko. Damn, I miss him.

"Kanina ka pa namin hinahanap, masama kasi pakiramdam ni Chae kaya umalis kaagad kami sandali dito. Pasensya ka na kung ngayon lang ako dumating"

"Kai, I'm sorry"

Napatingin ako sa kanya sandali.

"Jace.... lasing si Athena nun, nilapitan ko na sya kasi nakikita kong binabastos na sya nung mga lalaki dun sa bar. Iuuwi ko na sana sya sa kanila nang bigla nya akong halikan, pero Jace pinigilan ko sya nun, at alam kong nakita mo yung pag iwas ko kay Athena nung mga oras na yun. May tanong ako Jace....ano ba talagang dahilan? Bakit bigla ka na lang bumitaw?"

"Dahil ...kay Athena"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Bago ko pa kayo makitang magkasama, lumapit sakin si Athena, ipinagtapat nya saking matagal ka na nyang gusto. Nagmakaawa sya sakin... Kai, hindi ko sya matiis nun. Kaya nakipaghiwalay ako sayo kasi akala ko yun yung magpapasaya sa kanya. Sorry Kai,sorry kung naging mahina ako, kasalanan ko."

Nanatili syang tahimik.
Ginawa ko lang yun para sa ikasasaya ni Athena kasi kaibigan ko sya. Pero pinagsisisihan ko na yun .Dapat pala pinaglaban ko na lang si Kai . Naduwag ako.

Bloody NightmareWhere stories live. Discover now