Jacelle's pov
"Chae, ano bang sinasabi mo?"
"Nagbibiro ka ba?"
"Wait, you're not funny Chae"
"Sinasapian ka ba Chae, kalurkey ka ha"
"Paano mo nasabi yun?"
Kanya kanya silang naglabas ng saloobin sa sinabi ni Chae. Hindi ako nagsasalita, nakatingin lang ako sa kanya. Nag aalala sya para sakin, pero hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko... Malakas ang kutob ko na hindi mangyayari yung sinabi ni Chae.
At kung ako man ang susunod na mamamatay, wala na akong pakielam.
Napagdesisyunan naming lahat na balikan yung van nila Clyde. Siguradong andun pa rin yung bagong driver nila Clyde.
Natira kaming apat dito sa kubo at sila Kai ang nagprisintang bumalik sa van.
Ako, si Chae, Athena at Gio ang natira dito sa kubo.
Kanina pa sumusulyap sakin si Athena, mukhang may gusto syang sabihin pero nahihiya lang sya.
Lumapit ako kay Chae na nakatulala lang kanina pa. Nag aalala na ako, alam ko may maling nangyayari sa kanya.
"Chae"
Nakailang tawag ako kay Chae pero hindi man lang nya ako nililingon. Nanatili syang nakatulala.
"Jace, pwede ba kitang makausap?"
Napatingin ako kay Athena na nakalapit na sakin ngayon.
Lumabas kaming dalawa sa kubo at umupo sa may malaking batong nakita namin.
"Jace, sorry..."
"Para san?"
"About dun sa nangyari dati, yung kay Kai"
"Wala na yun--"
"Mahal mo pa ba sya Jace?"
"Ikaw?Mahal mo pa ba sya?"
Hindi sya sumagot, sa tingin ko alam ko na ang sagot sa tanong ko.
Pareho kami.
"Jace, nung nalaman ko na naghiwalay kayong dalawa, hindi ako naging masaya. Sinisi ko ang sarili ko nun kaya napagdesisyunan kong magdrop out na lang sa school. Kasalanan ko ang lahat, kaya yun lang yung naisip kong paraan para malimutan mo yung ginawa ko at baka sakali na ring mapatawad mo ako. Jace, sorry. Sorry for being selfish...."
Akala ko dudugtungan nya pa yung sasabihin nya kaya lang hindi na sya nagsalita pa.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa.
Hinihintay ko lang syang magsalita pero sa tingin ko wala na syang balak magsalita pa."Tulooong!"
Napatingin ako kay Athena na nakatingin na rin sakin ngayon. Agad kaming tumakbo pabalik sa kubo.
Nang makarating kami sa kubo, nanlaki ang mata ko nang makita ko ang duguang katawan ni Chae.
Lalapitan ko sana sya pero pinigilan ako ni Athena. Hinila nya ako paalis sa kubo.
"Ano bang problema mo?"
"Jace, listen. Nakita ko si Gio, may hawak syang kutsilyo kaya delikado kung babalik ka pa sa kubo"
"Pero si C-Chae"
Napaupo ako, bakit ko kasi iniwan si Chae sa kubo. Ang sama sama kong kaibigan.
Si Gio. Hindi kaya sya ang pumapatay...pero babae ang nakikita ko sa panaginip ko.
Napatingin ako kay Athena. Pinahid ko muna ang luha sa mga pisngi ko bago lumapit sa kanya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang braso nya.
"Sabihin mo, pinlano nyo ba to ni Gio? Bakit?Bakit nyo to ginagawa?!"
"J-jace, a-ano bang sinasabi mo?"
"Ikaw ang pumapatay hindi ba?"
"Ano?! Hindi!!"
"Jace? Athena? Anong ginagawa nyo dito?"
Napatingin kami sa dumating, sina Kai. Kailangan nilang malaman ang nangyari.
"Kailangan nating bumalik sa kubo"
Pagkasabi ko nun, napatingin sa akin si Athena. She's mad and I don't care."Pero Jace, delikado! Hindi ko man alam kung si Gio nga ang pumatay kay Chae. Mas mabuting lumayo muna tayo kay Gio"
"Teka, anong sabi mo Athena? Patay na si Chae?"-Grae
"Hindi pwede yun. Kanina lang---"-Kai
"Athena, we all know Gio. Hindi nya magagawa yun" -Jennie
Napatingin ako kay Jennie. Teka, natatandaan ko na sya. Sya yung babaeng nagtitinda nung lutong ulam na binilhan namin nila Clyde.
Sya yung tumawag saking Sharmaine.
Anong koneksyon nya kay Gio at Athena? Hindi kaya plano nila tong lahat.
"Jennie, sino ka ba talaga?"
Napatingin silang lahat sa akin nang sambitin ko iyon.
Nakatuon lang ang atensyon ko kay Jennie na nag iiwas ng tingin sakin.
Anong tinatago mo Jennie?
YOU ARE READING
Bloody Nightmare
Horror-COMPLETED- Kapag nananaginip tayo, pilit nating binubuksan ang ating mga mata para tumakas ..para makatakas sa panaginip na ayaw na nating balikan. Pero paano kung ang pagbukas ng iyong mga mata ay may kapalit na parusa. Kapag binuksan mo ang iyong...