Jacelle's pov
"TAMA NAAAA! SINO KA?"
"TIGILAN MO NA AKO!"
"TULOOOONGGG!!!"
Sinundan ko kung saan nanggagaling ang sigaw na yun.
Teka nasaan ako?Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at napagtantong nasa mansyon pa rin ako nila Clyde.
Bumaba ako kasi nakaramdam ako ng uhaw nang bigla akong makarinig ng isang sigaw. Pamilyar sakin ang boses ng sumigaw. Nagmamakaawa at natatakot ang boses nya, kailangan ko syang tulungan.
Pumunta ako sa kusina pero napatigil ako ng may makita akong anino ng dalawang tao.
Para silang nag aaway. Nanlamig ang katawan ko ng makita ko sa isang anino ang pagtaas nya ng kanyang kaliwang kamay na may hawak na kutsilyo. Gusto ko syang puntahan at pigilan sya sa kanyang gagawin kaya lang ayaw gumalaw ng katawan ko.Napapikit ako ng tuluyan ng ibinaon nya ang kutsilyo sa taong kaharap nya. Hindi ko kaya ,tila pamilyar sakin ang anino na yun.Ang anino ng taong pumapatay.
Kaliwa ang ginamit nya sa pagpatay , kaliwete sya.
Binuksan ko ang mga mata ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko kung nasaan ako ngayon. Nasa kwarto ako katabi si Chae na mahimbing na natutulog. Di kaya, panaginip lang yun?
Pero parang totoo. Napahinga ako ng maluwag. Panaginip nga lang siguro.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako at nagtungo sa kusina. Napatigil ako nang may maamoy akong mabaho, parang nabubulok na daga. Hindi, mas masahol pa dun ang amoy ng naaamoy ko ngayon.
Hindi ako tumuloy sa kusina at tumakbo na lang sa banyo nang maramdaman kong bumaligtad ang sikmura ko.
Pinunasan ko ang gilid ng labi ko. Hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin ang suka ko. Nakakainis.
Hindi natuloy ang pag hihilamos ko ng mukha nang may marinig akong sigaw. Si Chae ang sumisigaw. Agad akong napatakbo patungong kusina kung nasaan sila Chae.
"Anong nangya--"
Napatigil ako ng makita ko si Manang Rez ,nakabitin ang katawan nya. Sa unang tingin aakalain mong nagpakamatay sya pero hindi ,sigurado akong hindi sya nagpakamatay. Pulos saksak sya sa katawan, nakalabas na ang dila nya at naliligo na sya sa sarili nyang dugo.
"Bakit sya nagpakamatay?"
Napatingin ako kay Jacob, gusto ko sanang sabihin na hindi sya nagpakamatay kaya lang naunahan na ako ni Clyde.
"Hindi sya nagpakamatay, I know her. Hindi nya magagawa yun"
Biglang may dumating na mga pulis at inimbestigahan ang mga nangyari.
Pinaupo muna kami sa salas at sinabing maghintay muna.
Nangyari na naman, pagkatapos nung kay Joan. Si Manang Rez naman. Anong nangyayari sakin? Bakit ko napapanaginipan ang mga pangyayaring yun?
Naiinis ako sa sarili ko, bakit nung nakita ko ang pangyayaring yun bakit hindi ko sya nagawang tulungan. Ang sama ko, kasalanan ko lahat ng to.
Napatingin ako kay Clyde, umiiyak sya. Ngayon ko na lang ulit sya nakitang umiiyak. Ang sakit sakit makita syang nasasaktan.
Lumapit ako sa kanya, at tinapik ko ang balikat nya. Wala akong nagawa, hanggang ngayon wala pa rin akong nagagawa. I am useless.
I don't know how to comfort him. Tinuturing nya ng ina si Manang Rez, kasi si manang na ang nagpalaki sa kanya. Saksi ako kung gaano nya kamahal si Manang.
"C-clyde, I'm sorry"
"Bakit ka nagsosorry?"
"K-kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano mapapagaan ang loob mo ,ayokong nakikita kang nasasaktan. Mula pagkabata ,ikaw na lang palagi ang nagpapatahan samin ni Joan pag umiiyak kami. Pero ngayon, hindi ko pala kaya yung ginagawa mo, hindi ko kayang tanggalin yung sakit na nararamdaman mo ngayon. I'm really sorry"
"Jace, hindi sya nagpakamatay. May pumatay sa kanya, may pumatay kay manang"
Napatingin ako sa kanya, nakita ko ang paglandas ng mga luha sa mga pisngi nya. Pinunasan ko ang mga luha nya.
"Pero sino? Sino ang gagawa nito sa kanya?"
"Clyde bro, sa tingin ko nga hindi sya nagpakamatay. Imagine, pulos saksak sya sa katawan ,imposibleng maitali nya pa ang katawan nya sa lubid na iyon kung pulos saksak na sya sa katawan nya. Tsaka kung magpapakamatay sya, edi sana nagbigti na lang sya diba hindi yung sasaksakin nya pa sarili nya. Weird, nakita nyo yung braso nya?"
"Anong meron sa braso nya Jacob?"
"May nakaukit kasi sa braso nya. Hindi malinaw kasi puro dugo na ang braso nya pero Gehenna ang nabasa ko eh"
Gehenna?
"Brenna ,isearch mo nga kung anong ibig sabihin ng Gehenna?"
"Okay"
"Grae, ito oh. Nasearch ko na."
"Anong sabi?"
"K-kasi ang sabi dito ang Gehenna daw ay.. Hell?"
Hell. Gehenna?
YOU ARE READING
Bloody Nightmare
Horror-COMPLETED- Kapag nananaginip tayo, pilit nating binubuksan ang ating mga mata para tumakas ..para makatakas sa panaginip na ayaw na nating balikan. Pero paano kung ang pagbukas ng iyong mga mata ay may kapalit na parusa. Kapag binuksan mo ang iyong...