Epilogue

125 5 0
                                    

Caleb's pov

Nakatago kaming tatlo nina Athena at Grae sa malaking puno habang may hawak hawak na malaking kahoy.

Narinig namin lahat ng sinabi ni Chae, about sa plano nya at tungkol sa galit nya kay Jace.

Napatingin ako kay Jace, wala pa rin syang malay habang nakatali sa puno.

Habang nakatalikod sina Chae. Lumapit ako sa kanya, ihahampas ko sana ang kahoy na hawak ko nang bigla itong hawakan ni Kai. Shit!

Napatingin ako kay Kai, anong klaseng tao sya. Nagawa nyang talikuran ang mga kaibigan nya para lang iligtas ang sarili nya.

Maya maya pa'y nabigla ako nang makita ko sa harapan ko si Jace. Ngumiti sya sakin kasabay nun ang pagkawala ng kanyang malay.

Nakita kong nakatarak pa rin ang kutsilyo sa likod nya. Sht! Tumingin ako kay Chae na tumatawa. She's crazy.

Paanong napunta si Jace sa harapan ko? Nakatali pa sya sa puno hindi ba?

Hindi kaya ginamit nya ang kakayahan nya para lang iligtas ako.

Napatingin kami sa mga pulis na kararating lang, kanina pa namin sila tinawagan.

Tinutukan ng mga pulis sina Chae. Pero ang nakapagtataka ay hindi na lumaban si Chae bagkus ay sumama sya ng kusa sa mga pulis. Tumakbo sina Jennie at Kai ng makita nilang dumating ang mga pulis.

Agad silang pinaputukan sa binti nila kaya't agad rin silang nahuli ng mga pulis. May lumapit sa amin para kunin ang katawan ni Jace.

Jace... Lumaban ka please.

============================

Lucy's pov

Gehenna, yan ang pinangalan ko sa Diary namin ni Jace.

Naisip ko kasing parang impyerno ang kakayahan namin.

Nakasaad sa librong yan ang kakaibang kakayahan naming dalawa.

Binasa ko ang nasa huling pahina ng libro.

"Kapag binuksan mo ang iyong mga mata, mamamatay sila, Kapag tinulungan mo sila.. mamamatay ka."

Sinulat ko ito dahil gusto kong ipaalala ang lahat kay Jace.

Napatingin ako kay Jennie na kanina pa ako pinagmamasdan.
Lumapit sakin si Jennie.

"Asan si Chae?"

"Ayaw ka pa rin nyang makita" hanggang ngayon galit pa rin sakin ang kapatid ko.

"Pakisabi sa kanya, patawad. At kahit anong mangyari, mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal ko ang kapatid kong yun pero hindi nya ako naiintindihan"

"Intindihin mo na lang si Chae"

"Wag mo syang pababayaan please"

"Makakaasa ka"

"Meron pa akong isang hiling sayo,Jennie"

"Ano yun?"

"Ibigay mo ang librong ito kay Jace, dito nakalagay lahat ng impormasyon tungkol sa kakayahan nya"

"Gehenna?"

"Oo Jennie, ipangako mo sakin na ibibigay mo yan sa kanya kahit anong mangyari"

"Pangako..."

Bago ko ipinikit ang aking mga mata,  humiling muna ako sa hangin.

Na ilipat ang kakayahan ko sa taong totoong tumulong kay Jace nung naaksidente kami

Kay Athena...



-The End-

Bloody NightmareWhere stories live. Discover now