Chapter 14

81 3 0
                                    

Jacelle's pov

"Tama na yan, ang mabuti pa ,balikan na lang natin si Chae sa kubo"

Sumang ayon ang lahat sa sinabi ni Kai.

Kailangan kong malaman kung anong nalalaman ni Jennie. Alam kong may alam sya sa nangyayari sakin ngayon.

Pagkabalik namin sa kubo, wala kaming naabutan kundi ang magulo at mga nagkalat na gamit namin.

May napansin akong kulay itim na box. Medyo malaki ito at halatang luma na. Kinuha ko ito at pinakita sa kanila.

"Ano yan?"

"Nakita ko lang ito sa tabi nung gamit ni Chae"

"Tingnan natin"

Nanginginig kong binuksan yung box, di ko alam pero sobra akong kinakabahan.

Tumambad samin ang mga lumang litrato, yung iba hindi na halos makita ang larawan. Napagawi ang tingin ko sa isang litrato na kung saan ay nakangiti ang dalawang babaeng magkayakap.

Sobrang pamilyar, pero hindi ko lang maalala.

I hate this feeling.

"Sinong kasama mo dyan sa litratong yan?"

Napatingin ako kay Caleb tas sumulyap ako sa litratong hawak ko.

Teka, tinitigan kong mabuti yung litrato. Yung babaeng nasa kaliwa ang pumukaw ng atensyon ko, mahaba ang buhok nya at may maputing balat. May konting bangs , at mapapansin mo talagang sobrang saya nya habang kasama nya yung isa pang babae sa litrato.

Yung babaeng nasa kaliwa na yun, parang kamukha ko.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya napakapit ako kay Caleb.

"Hey, Are you okay?"

Matagal na akong nagtataka kung bakit wala akong naaalala kahit isa sa mga nangyari sakin nung bata pa ako.

Iniisip ko na lang na makakalimutin lang talaga ako...pero hindi.

Wala talaga akong alam sa nangyari sakin noon. Isa lang ang pumasok sa isipan ko,

Hindi ko kilala ang sarili ko, hindi ko na alam kung sino ang tunay na ako.

Napatingin pa ako sa ibang litrato, ang mga litratong nasa itim na kahon ay ang mga litrato ko.

Paano?

Tinignan ko isa isa ang mga litrato, lahat ng yun ay ako at may kasamang isang babae.

Sino ang babaeng kasama ko?

Napansin kong tahimik silang nakatingin sakin, alam kong mismong sila ay nagtataka na rin sa nakita nilang litrato ngayon.

Napatingin ako kay Jennie.

Nakatingin lang din sya sakin ,pero yung tingin nyang yun. Para syang nag aalala?

Ano ba talagang nalalaman nya?

May narinig kaming kalabog sa labas, napatingin kami sa isa't isa bago tuluyang lumabas ng kubo para tingnan kung ano yung narinig namin.

Ako ang unang lumabas, walang kahit ano akong nakita. Pero sigurado ako na nanggaling yung tunog dito sa labas.

Magsasalita na sana ako kaya lang biglang may gumulong na bagay papunta malapit sa may paanan namin.

What the heck was that?

Parang... Shit.

Parang ulo ng tao.

Lumapit si Kai doon sa bagay na yun at hinarap sa amin ito....

Shitshitshit, muntik na akong masuka sa nakita ko. Agad akong tumalikod sa kanila at huminga ng malalim. I need to calm down.

Hindi makakatulong kung magpapanic kami ngayon. Nakita kong pinipilit rin nilang kontrolin yung emosyon nila ngayon. Tuluyan ng nasuka si Grae at Athena.

Paano? Akala ko ba, sya yung pumapatay. Pero bakit hawak ngayon ni Kai ang pugot na ulo ni Gio.

Gosh, kahit na sya yung killer, he don't deserved this. Masyadong brutal ang ginawang pagpatay sa kanya.

Pero, nasaan si Chae?

"Guys, kung patay na si Gio, asan si Chae?"

Pare-pareho lang kaming nakatingin kay Athena at wala kahit isang nag abalang sagutin yung tanong nya.

Kahit ako Athena, I don't even know where my bestfriend is.

Naputol ang katahimikan nang bigla kaming may marinig na sumigaw.

Shit, si Chae.

Ako na ang unang kumilos at tumakbo sa kinaroroonan ng sigaw na narinig namin. Napansin kong sumunod rin sila sakin.

Please, kahit ako na lang, wag lang si Chae.

Napahinga ako ng maluwag ng makita namin si Chae. Nakatalikod sya samin, hindi nya siguro naramdaman yung pagdating namin kaya hindi pa sya humaharap samin pero Para syang may tinataguan.

Lumapit ako sa kanya at agad ko syang niyakap. Akala ko talaga, wala na naman akong nagawa. Akala ko huli na ang lahat.

Nabigla ako ng itulak nya ako. Tinignan nya ako na parang natatakot sya sakin.No, galit ang tamang word para dun. Galit sya sakin, pero bakit?

"L-lumayo ka sa a-akin. Ikaw yung pumapatay. Nakita ko, p-pinatay mo si Gio. Guys, lumayo tayo sa kanya. Sya yung pumapatay dito"

Napatigil ako sa sinabi nya. Anong... Hindi ako ang pumapatay.

Nakatingin silang lahat sakin, waiting for me to defend myself. But, I'm tired. I'm just tired of trying.




Bloody NightmareWhere stories live. Discover now