Ten
Lance's POV
Halos pagabi na din sila nakauwe ni Diwata, ang dami pa kasing daldal ng dalawa kanina kaya hinapon na sila. Kung hindi pa nga tumawag ang nanay ni Diwata hindi pa sila uuwi na dalawa.
Gaya kanina ng papunta sila ni Diwata siya pa sin ang nagdrive ng motor ni Diwata pauwe.
Habang nasa biyahe masaya siya kasi nakayakap na naman sa kanya si Diwata. Isama mo pa na ngayong araw na ito nahalikan niya si Diwata, ay mali pala nahalikan siya ni Diwata. Nakakahiya nga siya ang lalaki pero si Diwata ang gumawa ng first move.
Kaninang umaga nga nagpa-plano palang siya kung pano ang first kiss nila ni Diwata, gusto niya sana romantic, at especial sa kanila para hindi nila makakalimutan.
He's planning their future ahead, ng hindi pa niya natatanong o nasasabi kay Diwata ang nararamdaman niya, nang bigla nalang nagsalita si Diwata.
"Bilisan mo naman magdrive ang bagal mo"angal ni Diwata sa kanya.
"Pano ko bibilisan eh ang daming nasa unahan natin"ganting angil niya.
Nasira tuloy ang pagda-daydream niya.
"Kasing bagal mong magdrive si Kuya Andres, ihinto mo sa tabi at ako na magda-drive"utos pa nito.
Dahil nabanggit nito ang salitang KUYA ANDRES bigla niyang naalala ang suliranin niya kanina.
"Bakit nga pala hindi mo sinabi na kuya mo pala si Andres?"tanong niya sa dalaga.
"Ihinto mo sabi eh"pag-iiba nito ng usapan.
Wala naman siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito. kaya hininto niya sa tabi ang motor nito at bumaba siya.
"Sagotin mo nga ako"pangungulit niya.
"Bakit nagtanong ka ba kasi kung kaano-ano ko si Kuya Andres."maangas na sagot nito sa kanya.
Napailing nalang siya sa naging agot sa kanya ni Diwata, may laban pa ba siya. Sa una palang alam na niyang wala siyang laban sa dalaga.
Nang nakapagpalit na silang dalawa ng dalaga nagulat pa siya ng pagkasakay pa lang niya ng biritin na nito ang motor.
Mahihimatay yata siya sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito sa motor nito. Ang hilig sumingit nito sa mga malalaking sasakyan.
Lalabas na yata sa dibdib niya ang puso niya sa sobrang kaba na nararamdaman niya habang nasa biyahe silang dalawa. Mahilig naman siya sa mabibilis na sasakyan, sa totoo lang may koleksyon siyang mga sports car.
Pero kahit nag anon, ginagamit lang niya ang sasakyan niya kapag may car racing silang magkakaibigan. Doon lang niya nagagamit mga sasakyan niya na mada-drive niya ng mabilis.
Its his first time na sumakay sa motor na ganito kabilis.
Buti nalang natanaw na niya ang bahay nila Diwata na malapit na sila.
Sila lang ang hinihintay ng mga kamang-anak ni Diwata pagdating nila, nandoon na ang mga kapatid ni Diwata at ama nito.
Bigla naman siyang nakaramdam ng hiya ng magtama ang mata nila ng kuya Andres ni Diwata. Ewan ba niya kung bakit para naman siyang pinitpit na lata habang naglalakad siya papasok sa loob ng bahay nila Diwata.
Nasa terrace ang mga kuya at tatay ni Diwata, mukhang nagkayayaan ang mga ito ng inuman, kasi may nakaharap na bote ng alak ang mga ito.
"Aga naman ng painit niyo"sita ni Diwata sa mga ito ng matapat sila sa mga ito.

BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATA
Lãng mạnWhat if two different person meet. Will they stick together? Or fall apart? Diwata Mayumi Dimaguiba isang uptight provincial police officer na wala na yatang ibang buhay kundi ang serbisyo niya sa pagpupulis. Lance Mcdaniel a certified bachelor in...