Seven
Diwata's POV
Nanlalabo na ang mata niya habang paakyat na siya sa hagdan buti nalang to da rescue naman si Lance sa kanya. kaya bago pa siya mawalan ng malay nabuhat na siya ni Lance papunta sa kwarto.
"What am I gonna do?"nag-aalala at nagpapanic na si Lance.
Lalo naman siyang nahilo sa kakalad ni Lance ng paroon at parito nito.
"Kumuha ng ka malinis na tubig, iyong medyo maligamgam lang. Tapos panlinis ng sugat"nanghihina na niyang utos.
Ang slow naman kasi nito, alam na nga nito na may sugat siya tapos hindi pa ito kumilos para gamutin siya.
Nakapikit na siya at iniinda niya ang kirot ng sugat niya, pinakiramdaman naman niya ang sugat niya sa palagay naman niya daplis lang ito. nakarinig siya ng pagbukas at pagsara ng pinto, at pagbukas at pagsara ulit ng into.
Hindi na niya magawang imulat ang mga mata niya sa sobrang pamimigat ng talukap ng mata niya.
"Diwata, hey wake up"naramdaman niyang may nagyuyug-yug sa kanya.
Pilit niyang iminulat ang mata niya. nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Lance.
"F*ck those bastard, wala na akong pakialam kung masira na naman ang plano, basta dadalin nalang kita sa ospital"sabi pa nito.
"Shit ka naman eh, ang nagpapahinga lang ako. Okay ako wag kang OA dyan"sermon niya.
Pinilit niyang tumayo at sinimulan na tanggalin ang jacket niya. Napansin siguro ni Lance na hirap siya kaya naman tinulungan siya nitong mangtanggal ng jacket.
Nang matanggal niya ang jacket niya sinunod naman niya ang blouse niya.
"Fvck!!!!"mura naman ni Lanca ng makita nito ang sugat niya.
"Ang arte mo naman, asan na ang tubig?"angil naman niya sa binata.
Wala naman nagawa ang binata kundi ang tulungan siya, ito na nga ang naglinis ng sugat niya.
"Masyadong malalim ang sugat mo Diwata, its better we go to the hospital. Wag ng matigas ang ulo mo"sermon sa kanya ni Lance habang patuloy pa din ito sa paglilinis ng sugat niya.
"Nasisiraan ka na ba, pagdinala mo ako sa ospital masisira lahat ng pinaghirapan natin. Mabubuking ng gustong pumatay sayo ang disguise ko. Kaya ko naman na ito, parating na ang gagamot sakin. Basta linisin mo lang ang sugat ko"angil na naman niya.
Hindi siya papayag na mabulilyaso ang trabaho nila, dalawang linggo na nilang tinatrabaho ito kaya dapat lang na mag positive out come ang lahat. Isama pa na hindi siya sanay na hindi maganda ang resulta ng trabaho niya.
"Ang tigas ng ulo mo"pagalit na sabi ni Lance.
"Oo alam ko iyon"ani naman niya.
Nalinisan na nito ang sugat niya at nabendahan na din nito iyon kahit papano naman ay natigil ang pagdurugo ng sugat niya. napalitan na din siya nito ng damit.
Hindi naman siya iniwanan ni Lance sa loob ng kwarto niya hangga't hindi pa dumating ang Kuya niya para tingnan siya.
"This is crazy, dapat dinadala na kita sa ospital ngayon. But look what I'am doing, hinihintay ang kung sinong pupunta dito para gamutin ka. Saan ba manggagaling ang hinihintay natin at bakit hanggang ngayon wala pa siya gayon mukha kang mauubusan ng dugo dyan"maya maya'y nagsalita na naman si Lance.
"Sa Nueva Ecija"mahinang sagot niya.
Sunod sunod naman na nagmura si Lance sa sinagot niya. ngayon lang niya nakita ang ganoong ugali ng binata. Usually kasi kalmado lang ito o kaya naman ay tahimik lang ito kapag kasama niya.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATA
Roman d'amourWhat if two different person meet. Will they stick together? Or fall apart? Diwata Mayumi Dimaguiba isang uptight provincial police officer na wala na yatang ibang buhay kundi ang serbisyo niya sa pagpupulis. Lance Mcdaniel a certified bachelor in...