Three
Diwata's POV
Kanina pa siya nilalamok sa pwesto niya, kaso hindi naman siya makakilos ng maayos dahil baka may makapansin sa kanya.
Nasa ilalim siya ngayon ng isang sasakyan malapit sa nangyayaring trasaksyon ng pagbebenta ng bawal na gamut.
Ngayong gabi nila lulusubin ang nasabing lugar kung saan iyon nagaganap. At kanina pa siya sa pwesto niya mula yata kaninang magdadapit hapon. Nanghihintay lang siya ng magandang timing para lumabas sa kinatataguan niya.
Nakapalibot na ang mga tauhan niya sa paligid.
Pero hindi pa kasi niya nakikita ang tauhan niya sa loob ng sindikato kaya hindi pa siya makapagbigay ng go signal sa iba niyang tauhan.
Kainis naman ang mga lamok na ito. mukhang namamaga na ang paa ko kakakagat niyo. Baka hindi na ako makatakbo mamaya nian. Reklamo niya.
Sinilip niyang muli ang labas kung ano na ang nangyayari.
Nasa isang liblib na barangay sila di kalayuan sa pinakasentro ng lungsod. Dito madalas mangyari ang bentahan ng droga kasi medyo malayo ito sa mga kabahayan.
Isang abandunadong piggery ang lugar na iyon kaya naman malaya ang mga masasamang loob na pumunta sa lugar na iyon. Hindi din kasi pansinan dahil medyo malapit na bundok ang lugar na iyon.
Nang makita niya ang kasamahan niyang asset, hinintay nalang niyang mabigay ito ng go signal sa kanya.
Ang usapan nila maglalaglag ito ng panyo paanan nito sa oras na nagaganap na ang trasakyon ng mga ito.
At iyon ang nakita niya kaya naman dali dali niyang binigay ang go signal sa mga kasama niya
Naingat naman niyang pinaputukan ng baril ang isang bumbilyang nagsisilbing liwanag sa lugar na iyon.
Mabilis siyang kumilos para mahuli ang pinakapinuno ng sindikato.
Mabuti nalang at nasanay na sa dilim ang mga mata nilang magkakasama kaya naman hindi sila nahirapan na makipagbunong braso sa mga kalaban nila.
Hangga't maari hindi sila gagamit ng baril ng mga kasamahan niyang pulis. Gusto kasi niyang mahuli ang mga ito ng buhay. Pero kung alanganin na ang sitwasyon gumagamit na sila ng baril.
At laking pasasalamat niya at hindi naman masyadong nanlaban ang mga kalalakihan na hinuli nila.
"Matagal ka ng sinusubaybayan ng mga tauhan ko para mahuli ka sa akto. Lulusot ka pa talaga ngayon."gigil niyang pinagtutulak ang nahuli niyang isang drug pusher sa isang barangay di kalayuan sa bayan nila.
Kakatapos lang ng isang entrapment operation nila para sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. At isa sa mga pakay nila sa lakad na iyon ay ang mahuli ang isa sa mga bigatin na nagbebenta nito.
"Inspektor Dimaguiba kami na pong bahala dito"ani ng isa sa mga tauhan niya.
Tinanguan lang niya iyon at ibinigay ang nahuli sa mga ito.
Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa police mobile na sinakyan niya patungo sa lugar na iyon.
Pabalik na siya sa istasyon ng may tumawag sa kanyang hindi kilalang number.
"Hello"sangot niya sa tawag.
"Good evening Inspector Dimaguiba, these is PNP Chief Makaso. May I speak with you for a minute"sagot naman ng nasa kabilang linya.
Pagkarinig pa lang ng salating general bigla niyang naapakan ang preno ng sinasakyan niya. Buti nalang wala siyang kasunod kundi nabunggo na siya sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATA
RomanceWhat if two different person meet. Will they stick together? Or fall apart? Diwata Mayumi Dimaguiba isang uptight provincial police officer na wala na yatang ibang buhay kundi ang serbisyo niya sa pagpupulis. Lance Mcdaniel a certified bachelor in...