Two
Lance's POV
Hindi naman na nasundan ang insidente na nangyari sa kanya noong isang linggo.
Sinunod din kasi niya ang sinabi ng mga kaibigan niya, kumuha siya ng body guard niya kaya naman kahit papaano naging kampante naman siya sa safety niya.
Nawala na nga sa isip niya ang nangyari na pananambang sa kanya not unil today.
Papasok pa lang siya sa company niya ng biglang may humarang sa sasakyan niyang minamaneho ng isa sa mga body guard niya. at ang siste, huminto ang body guard niya at walang ginawang kahit na ano ang mga ito para protektahan siya.
Mismong ang body guard pa niya ang nagtangka sa buhay niya ngayon, buti nalang at hindi napansin ng mga loko na napadaan sila sa isang police station at hindi pa hinintay ng mga ito na makalayo sa lugar na iyon bago siya kunwaring dudukutin ng mga kasama ng mga ito.
Agad na nakaresponde ang mga pulis at hindi natuloy ang tangkang pagdukot sa kanya.
"Brod"tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.
Kasama na ng mga ito ang attorney niya, nasa police station pa din siya ngayon at kinakausap siya sa pagsasampa niya ng kaso sa mga gustong dumukot sa kanya.
"Damn brod, para kayong mga bakla kung makasigaw"sita siya sa mga ito.
Ang mga loko naman parang nang aasar pa na aktong yayakapin siya ng mga ito.
"Sige, yumakap kayo at pagsasapakin ko kayong mga hayop kayo"banta niya sa mga ito.
"Mr. McDaniel, may ideya ba kayo kung sino ang pwedeng gumawa nito sa inyo?"tanong muli ng pulis na kaharap niya.
"As of now, wala pa din. Meron lang akong natatanggap na mga death threat thru text messages"sagot nalang niya.
"Mr. McDaniel, you better go now. Ako nalang ang bahala sa mga ito"turan naman ng abogado niya.
"Its fine attorney Katapatan, mas gusto kong nandito ako. Isa pa hindi na biro ang nangyayari ito sa akin. They want me dead. Now I want to know how's behind this mess"nagpipigil niyang sagot naman sa kanyang abogado.
Wala naman nagawa ang abogado niya kaya naman naroon lang siya at pinakinggan ang lahat ng mga sinabi ng mga pulis. Maging ang interrogation sa mga dati niyang body guard at sa mga kasama ng mga ito nandoon din siya kasama ang mga kaibigan niya.
Pero wala naman silang nakuhang sagot sa mga ito kasi naman ayaw kumanta ng mga ito kung sino ang nag-utos sa mga ito.
"Tsk...ibang usapan na ito. mukhang hindi titigil ang gustong pumatay sayo hanggang hindi ka nadadala sa hukay ah"turan ni Ezekiel sa kanya.
Nasa police station pa din sila ng mga kaibigan niya ng mga oras na iyon. Hinihintay nila ang pagdating ng ninong niyang PNP Chief ngayon ng bansa.
Nakaabot na din kasi sa kaalaman ng mga magulang niya ang nangyari kaya naman tinawagan ng mga ito ang ninong niya para naman tulungan siya sa bagay na iyon.
"Yeah, kahit na mga respected body guards nagawa pa nilang suhulan para lang mapatay ako."naiiling na sagot naman niya sa kaibigan niya.
"Hay naku buti nalang ako babae lang ang problema ko"ani Ezekiel na umani ng iba't ibang sermon mula sa mga kaibigan nila.
"Tangna mo Turner, kala mo naman kung sino kang gwapo"ani Leigh.
"bakit totoo naman ah, gwapo ako"mayabang pang sagot naman ni Ezekiel.
"Ulol, ako ang pinakagwapo sa atin apat. Tanggapin mo na 'yon Turner"pangbabara naman ni Leigh sa sinabi ni Ezekeil.
Naiiling nalang niya pinagmasdan ang dalawa niyang kaibigan. Pagdating talaga sa kahanginan magkaribal lagi ang dalawang ito.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATA
RomanceWhat if two different person meet. Will they stick together? Or fall apart? Diwata Mayumi Dimaguiba isang uptight provincial police officer na wala na yatang ibang buhay kundi ang serbisyo niya sa pagpupulis. Lance Mcdaniel a certified bachelor in...