Thirteen
Diwata's POV
Nagkakaroon na sila ng lead sa kung sino ang gustong pumatay kay Lance. Pero aaminin niya nadidistract siya sa mga pinapakita sa kanya ni Lance.
Simula ng sinabi nitong liligawan siya nito, nakikita niya ang lahat ng effort nito. mula sa pagsasanay nito ng kick boxing, nakikita niya din na hindi na nakadepende ang security nito sa kanya. mas gusto pa nga ng binata na hindi na siya kasama kung lalabas ito.
Ang rason nito kung sakaling may magtangka na naman sa buhay nito atleast safe daw siya.
Naiinis niya kasi naman trabaho niya iyon. Ang bantayan at siguraduhin na safe din ang binata.
Kagaya ngayon sabado, iniwanan ba naman siya sa loob ng bahay nito. umalis itong mag-isa ngayon at may pupuntahan lang daw ito. hindi pa ito nagpaalam sa kanya sa kasambahay lang nila ito nagpaalam.
"Ma'am Diwata"tawag sa kanya ni Minerva.
"Nervs, bakit?"tanong niya dito.
Kailangan na naman niyang magpanggap na aanga-anga ngayon kasi nasa Manila na naman sila.
"Pinapatanong po ni Sir Lance kung may isusuot na daw po ba kayo para bukas sa party?"tanong nito.
Napasimangot siya ng marinig niya ang pangalan ni Lance.
"Hmp, mahuhubad lang ako bukas. Madami naman akong panty at bra dyan"nakasimangot na sagot niya.
Hindi niya tinitignan ang kausap niya, nakatuon lang ang mata niya sa TV. Nanunood siya ng powerpuff girls sa carton network at kumakain ng popcorn.
Kaya naman nagulat pa siya ng bigla nalang may tumapat na telepono sa tenga niya.
"Anong maghuhubad ka bukas. That will never happen Diwata, kung maghuhubad ka man iyon ay sa honeymoon lang natin"pasigaw pa na sabi ni Lance sa kabilang linya.
Hinawakan niya ang telepono at nanggigigil na pumikit siya. Nakawireless phone siya ngayon.
"Wala kang magagawa kung gusto kong maghubad lang bukas. Isa pa hindi naman ako hubad na hubad kasi magpa-panty at bra ako. O diba bonga iyon lahat ng tao nakatingin sakin 101% sure 'yon sikat ako bukas"sarcastic niyang sagot sa binata.
"What?!!"parang nakikita niyang umuusok ang ilong ngayon ni Lance.
Kaya naman napasmirk naman siya kasi nararamdaman niya naiinis na si Lance.
"Wala ka ng sasabihin?"tanong niya.
Narinig niyang bumontonghinga ito.
"Galit k aba kasi iniwanan kita ngayon dyan?"malayong sagot nito.
"Buti alam mo"sagot niya at tinapos na ang tawag.
Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan si Tiffany.
"Hoy bakla, lumuwas ka ng manila ngayon magdala ka ng mga evening gown iyong desente ha. Sunduin kita sa terminal within 4 hours."hindi na niya hinintay na sumagot ito at tinapos na niya ang tawag niya.
Natawa nalang siya ng magtext ito sa kanya.
Bruha ka, kung makautos ka wagas. Wala akong pamasehe.
Iyon ang text sa kanya ni Tiffany.
Manghingi ka kay Kuya Andres, dal aka ng extra mong damit sa Monday ka na balik dyan. Ingat
Nakangising nireplyan niya ito.
"Ma'am Diwata, ang taray niyo naman"manghang puna sa kanya ni Minerva.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATA
RomanceWhat if two different person meet. Will they stick together? Or fall apart? Diwata Mayumi Dimaguiba isang uptight provincial police officer na wala na yatang ibang buhay kundi ang serbisyo niya sa pagpupulis. Lance Mcdaniel a certified bachelor in...