Epilogue

76.1K 1.8K 103
                                    


Prologue

Lance's POV

Sobrang sakit ng katawan niya, putok na yata ang nguso siya o buong mukha niya na yata sabog na.

Pinanggigi-gilan ba naman kasi siya ngayon ni Diwata, inaya lang naman siya nitong magsparing silang dalawa.

Sa loob lang naman ng bahay nila sila nagsparing, nagpagawa na kasi siya ng mini gym nila sa loob ng bahay nila para hindi na kailangan pang lumabas ng asawa niya kung gusto nitong maggym sila.

Kagaya ngayon, atleast wala silang audience na dalawa habang binubugbug siya ng asawa niya mga anak lang nila.

"Give up na Mahal?"tanong pa sa kanya ni Diwata.

Kahit naman sabihin niya 'Oo suko na my Queen' hindi pa din naman siya titigilan ng asawa niya hangga't hindi pa ito pagud.

"Go Daddy"cheer ni Perlas ang pangalawang anak nila at nag-iisang babae.

They have three beautiful kids, ang pangay na si Issac na 7 years old, the second one is Perlas 6 years old and David 5 years old.

Well kung mapapansin nagsunod sunod talaga ang mga anak nila. Sinadya niya iyon kasi naman kahit na kapapanganak pa lang ni Diwata may isang lalaking umaaligid sa asawa niya. kaya naman hindi niya tinantanan si Diwata.

Mas gugustuhin niyang hindi na makitang maliit ang tyan ng asawa niya kaysa naman kung sinong kumag pa ang lumapit sa asawa niya.

Seloso na kung seloso wala siyang pakialam.

Natigil lang sa pagbubuntis si Diwata ng magreklamo na ito at nagtake ng pills kahit na ayaw niya.

"Suko na kasi"feeling niya naiirita na si Diwata.

"No my queen. Hindi ako susuko"nahihirapan niyang sagot.

"Mommy, daddy is choking"umiiyak na puna ng anak niyang babae.

"No, Perlas. Daddy is okay"sagot ni Diwata.

Nawala naman sa concentration ang asawa niya kaya kinuha niya itong pagkakataon para magkapalit sila ng posisyon na mag-asawa.

Si Diwata na ngayon ang nasa ilalim niya.

"I like it when I'm on the top"mapang-akit pa niyang pang-aasar sa asawa.

"Manyak"iyon lang at umigkas na naman ang paa ng asawa niya.

Kaya naman tumilapon siya paalis sa pagkakadagan sa asawa niya. medyo na hilo na nga siya sa sobrang dami na ng inabot niya sa asawa niya kaya hindi na siya nakabangon.

Doon naman naglapitan ang mga anak niyang lalaki na nagmistulang referee nila at binilangan pa talaga siya ng mga ito.

"Ten...teng...teng...teng"sabay pang turan ng mga anak niya na kumopya pa ang bell sa mga boxing ring.

"Mommy is the winner"tuwang tuwa na announce ni Issac.

"Yehey!!!...si mommy ulit ang winner"tumatalon talon pa si Perlas habang nagsasalita.

Napapailing naman na bumangon siya at naupong pinagmasdan ang mag-iina niya.

A perfect picture of a family.

Kahit masakit ang katawan niya iba pa din ang saya na nararamdaman niya kapag nakikita niyang masaya ang mga anak niya at asawa.

"Wala akong kakampi"nagkunwari siyang malungkot at nagpout pa siya at nag-inarteng iiyak na siya.

"Daddy"tumakbo naman si Perlas para yakapin siya nito.

"Ako po kakampi niyo daddy"sabi pa ng anak niya habang kayakap siya nito.

GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon