Nineteen
Lance's POV
Nakalutang sa cloud nine.
Kulang pang description sa nararamdaman niya ngayon na kasama na niya si Diwata. Na alam niya the feeling is mutual, na officially they are on.
"Hmmm...enough na Lance..."awat sa kanya ni Diwata.
Nakahiga pa din sila sa boxing ring na dalawa at ninanamnam ang bawat segundo na magkalapat ang kanilang mga labi.
"Cant get enough with your lips Princess"bulong niya.
"Sir aka talaga, cant get enough, can't get enough ka dyan. Hoy nasa boxing ring pa din tayo mahiya ka naman kila nanay"sermon sa kanya nito.
Sabay pa silang lumingon sa gawi kung nasaan ang mga magulang ng dalawa maging ang mga kapatid at kaibigan naman niya. pero wala na doon ang mga ito, 'yong mga naggi-gym nalang ang nandoon at nagpapatuloy na sa ginagawa. Ang nanunood nalang sa kanila ngayon ay iyong tinawag nila Diwata kanina na Kuya Roger.
"Wala na mga kasama niyo Diwata"nakangising turan ng lalaki.
Kaya naman tumayo na sila ni Diwata at bumaba na sa boxing ring. Hinanap niya ang bag na dala niya kanina pero hindi na niya makita.
"Kung ung bag ang hinahanap mo, dala na nung mga lalaki kanina ung mga nakaupo dito"turo naman nito sa kinauupuan ng mga kaibigan niya.
Tinanguan nalang niya ito at inakbayan si Diwata.
"Magbayad ka na"bulong sa kanya ni Diwata.
"Ahh okay"dinukot niya ang likurang bulsa niya.
Nang walang makapa na bulsa doon lang niya naalala na nakasports shorts nalang siya at wala nga palang bulsa ito kaya wala ang wallet niya nasa pantalon niya na hinubad.
"Wala yong wallet ko"bulong niya kay Diwata.
"Ha!!, nadukutan ka?"exaggerated na tanong sa kanya ni Diwata.
Akmang maghahalughog na ito ng pigilan niya. iba talaga kung ang girlfriend mo ay pulis, kala lagi may nangyaring krimen.
"No, princess. I put my wallet on my pants. And my pants are on the bag na dala ng mga kumag"bulong niya.
"Naku patay tayo dyan, wala din akong dalang pera"nahihiyang bulong ni Diwata.
Napakamot naman siya sa batok niya sa nangyari.
"Sige na Diwata, regalo ko na sainyo 'yan"salo naman noong Kuya Roger.
"Naku, salamat kuya Roger. Di bale babalik kami kukunin lang namin ung wallet niya"nahihiyang sagot naman ni Diwata.
Nagkaroon lang ng konting paalamanan bago sila tuluyan na lumabas ng gym.
"So, your officially my Princess now"sabi niya kay Diwata ng makalabas na sila.
"Nong birthday mo pa"sagot naman sa kanya nito.
Nanlaki naman ang mata niya sa naging sagot ni Diwata.
"Ang akala ko ba ngayon lang kasi naman kailangan ko munang dumaan sa pagsubok mo?"maguguluhan na tanong niya.
"Gusto lang kitang bugbogin kasi nagpabugbog ka sa iba"nakangising sagot nito.
Hindi na siya nakasagot pa, kakaiba talaga ang trip nitong babaeng ito.
Siya ulit ang nagdrive sa motor ni Diwata pabalik sa bahay ng mga magulang nito. feel na feel niya ang yakap ni Diwata ngayon, nakikiliti pa nga siya kasi nararamdaman niyang hinahalikan siya ni Diwata sa batok niya.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATA
RomanceWhat if two different person meet. Will they stick together? Or fall apart? Diwata Mayumi Dimaguiba isang uptight provincial police officer na wala na yatang ibang buhay kundi ang serbisyo niya sa pagpupulis. Lance Mcdaniel a certified bachelor in...