Seventeen

47.5K 1.2K 20
                                    

Seventeen

Lance's POV

Nagulat siya ng biglang namatay ang ilaw, ang alam niya kasi ngayon na gagawin ni Scott ang plano nitong pagpatay sa kanya.

"Secure the area, find the reason why there's no light"sigaw ni Scott.

Nagkagulo naman ang ilan sa mga tauhan nito na nakapaligid sa kanila.

"Bossing"kinilabutan siya sa narinig niya.

Tama ba siya ng naririnig si Johnny ang naririnig niyang tumawag sa kanya. ayaw niyang sumagot baka kasi nag-iilusyon na siya na may magliligtas sa kanya gayong alam naman niyang walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon.

Pero naramdaman nalang niyang may kamay na nagkakalag ng tali niya sa kamay niya. hindi pa din siya kumikilos kahit na tapos na nitong tanggalin ang tali niya sa kamay at ngayon nga ay sa paa naman niya ito nagtatanggal ng tali.

"Boss, kapag sinabi kong tumayo ka tumayo ka na"bulong sa kanya nito.

Napalunok siya, totoo nga nandito si Johnny ngayon at nililigtas siya nito. pero paano napakaraming tauhan ang pinsan niya na naroon ngayon sa loob ng kwarto kung nasaan sila ngayon.

"Boss, kasama ko na si sir Lance"tinig iyon ni Reyes.

Boss? Sino kaya ang kausap nito? pero bago pa man siya makapagtanong kay Johnny nahila na siya nito patayo dahil nagkagulo na sa loob. Nakarinig siya ng mga putok ng baril sa labas.

"bantayan niyo si McDaniel"sigaw iyon ng isa sa mga tauhan ni Scott.

Dahil sa madilim sa loob ng kwarto hindi napansin ng mga ito na nakakilos na si Johnny sa likod niya at ngayon ay akay akay na siya nito papalabas ng kwarto.

"Nawawala si Lance boss"narinig niyang sigaw ng isa sa mga lalaking nandoon.

"Tangna!!!"bulong ni Johnny.

Doon naman naging magulo ang mga tao sa tabi nila, napansin na din ng isa sa mga lapit sa kanila ang presensya nila. Wala naman nagawa si Johnny kundi ang makipagbarilan sa mga ito.

Inilagay siya ni Johnny sa isang sulok na malayo sa putukan ng baril. Habang busy sa pakikipagbarilan si Johnny napapansin niyang bukod sa tinatamaan nito may paisa isa din natutumba kasabay ng mga nababaril ni Johnny.

Mukhang may sniper silang kasama ngayon.

"Bossing tara na"hinila siya nito palabas sa kwarto na iyon.

"Shit!!!"napamura siya ng naramdaman niya nadaplisan siya sa bandang kaliwang braso niya.

"Boss naman chill lang"narinig pa niyang sabi ni Johnny.

Hindi naman na niya ininda pa ang tama ng baril sa kanya kasi naman hindi naman lalim ang sugat niya.

Mabilis silang tumakbo lahat ng makakasalubong nila na tauhan ng pinsan niya ay agad na natutmba bago pa man mabaril ng kasama niya.

Shit ang astig!!!

"Nasa labas na kami"tinig ni Reyes iyon kasabay noon ang pagbalik ng ilaw sa kabahayan.

Hanggang sa makalabas sila pero hindi din lahat smooth ang takbo ng sitwasyon nila. Bigla nalang kasing bumukas ang ilaw, kaya naman mas naging maganda ang access ng mga kalaban nila sa kanila..

"Tangina!!"mura ni Johnny ng nagkailaw na.

Pinaulanan sila ng bala ng mga ito kaya naman nagtago na naman silang dalawa pero magkahiwalay sila ng napagtaguan na dalawa.

GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon