Nine
Diwata's POV
Gustong gusto na niyang sabunutan ang sarili niya mula pa kanina. Hindi lang niya magawa kasi may mga kasama siya.
Paano ba naman kasi nagpadala siya sa pang-aasar sa kanya ng kaibigan niya, tuloy ang first kiss niya wala na.
Naibigay na niya kay Lance.
"Pre tara doon kuha tayo ng manga"aya ng asawa ni Liway kay Lance.
Hindi naman nagsasalita mula pa kanina si Lance, wala din salita itong sumama sa asawa ng kabigan niya. naiwan naman silang dalawa ni Liwayway sa kubo.
"Gaga, magkwento ka na dali"exited na simula ng kaibigan niya.
"Ano naman ang ikwento ko sayo?"nakasimangot na tanong niya.
Kung bakit ba naman kasi boyfriend pa ang pakilala niya kay Lance sa hitad niyang kaibigan.
"Yong sa inyo ni Lance. Pano mo siya naging boyfriend? Kailan kayo naging magjowa, saan mo siya nakilala. Yong mga ganon"kinikilig na paliwanag ng kaibigan niya.
"Hmp ayoko, kainis ka."inirapan niya ito at iniwanan.
At home na siya sa lugar ng kaibigan niya. matagal na silang magkaibigan simula pa noong mga elementary pa sila, tatlo silang magkakaibigan, siya, si Liwayway at si Jenny. Kaso wala na silang balita kay Jenny.
Pulis silang tatlong magkakaibigan kaso maagang umalis sa serbisyo ang mga kaibigan niya, si Liwayway obvious naman kasi nag-asawa na, samantalang si Jenny wala pa yatang isang taon na pulis nagresign na agad sa hindi nila alam na dahilan.
Basta nalang umalis ito maging sa bayan nila.
Nagtuloy siya sa loob ng bahay ng kaibigan niya hanggang sa kusina.
Siya na ang kumuha ng mga kailangan niya, kumuha siya ng kutsilyo at asin. Ang kaibigan naman niya ang kumuha ng plangganita na may tubig.
"Gaga, kuha ka ng bagoong na maraming sili"utos niya sa kaibigan niya.
"Okay"sagot nito.
Naglakad na siya pabalik sa kubo, doon sila tumatambay kapag nandoon siya. Nanginginain ng kung ano anon a pwede nilang pitasin sa bukid ng kaibigan n iya.
Madami kasing tanim ang kaibigan niya. meron manga, santol, saging, kaimito, chesa, may mga ibang ibang klase din ng gulay at may maliit pa itong palayan. May mga alaga ding hayop ang kaibigan niya mula sa manok, bibi, kambing, baboy na native at kalabaw.
At ang pinakapaborito niya sa lahat may maliit itong fish fond na may iba ibang klase ng isda na alaga. Pangsarili lang naman ang alaga nila Liwayway hindi naman nagbebenta ang mag-asawa ng mga tanim o alaga ng mga ito.
"Kwento mo na dali"pangungulit sa kanya ni Liway ng makabalik na sila sa kubo.
"Tigilan mo ako, hindi ko ikukwento. Kainis ka talaga kahit kailan"sagot pa niya sa kaibigan.
"Hmp, damot. Pero infairness ha ang gwapo ng jowa mo ha"sinundoksundot pa nito ang tagiliran niya.
"Tigilan mo nga ako Liway"saway niya sa kaibigan niya.
Pero hindi siya nito tinigilan hanggang sa nauwi na sa kilitian ang pang-aasar sa kanya ng kaibigan niya ng sa hindi naman sinasadya, nasaling ng kaibigan niya ang sugat niya.
"Aww!!!"daing niya.
Doon naman dumating sila Lance at Homer. Humahangos na lumapit sa kanya si Lance at kitang kita sa mata nito ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATA
RomanceWhat if two different person meet. Will they stick together? Or fall apart? Diwata Mayumi Dimaguiba isang uptight provincial police officer na wala na yatang ibang buhay kundi ang serbisyo niya sa pagpupulis. Lance Mcdaniel a certified bachelor in...