5: Friends

10.4K 252 9
                                    


LUCY HAS NEVER felt this genuinely welcome her entire life. Hindi niya alam kung bakit sobrang babait ng mga tao sa kanya sa department na napuntahan niya. If they are pretending then they are doing a very good job kasi seamless talaga. Mula noong unang araw na pumasok siya ay may maliit na welcome cake pang inihanda para sa kanya. Finally, ngayon niya lang naramdaman ang ganitong acceptance. Buong buhay niya kasi maliban doon sa states ay tinatanggap siya ng tao dahil sa titles niya. Siya ang 'unica hija ni Phoenix Guzmano', 'ang goddaughter nina Aidan and Celest Cojuangco', 'Ang queen bee ng St. Faustine University', she was never just Serena Lucine J. Guzmano, she was always a title pero ngayon it was different.

"Lucy, nagawa mo na ba yung documents para sa transfer ni Felicity sa Marketing?" Tanong sa kanya ng boss niya dito na si Ms. Divine.

"Yes Ms. D. Natapos ko na po kahapon pa. Nasa table niyo na po yung file." Ngumiti siya sa nakakatandang babae. This lady is so kind to her and guiding her through every step of her tasks. There was no special treatment, ganito lang talaga ito.

"Alright sweetie, thanks!" At naglakad na ito papasok sa pribado nitong opisina.

"Lucy, saan ka kakain ng lunch mamaya?" Humarap sa kanya si Kara. Ito ang isa sa mga pinaka-close niya sa opisina kasi parehas lang silang bago. Mabilis silang nag-click agad kasi mabait ito at prangka kaya naman hindi ito nagtatago ng nararamdaman. "Nagugutom na ako. Ang tagal talagang mag-twelve!"

"Ikaw talaga, gutom ka nanaman." Kumuha siya ng biscuit sa drawer niya. "O, itawid mo muna yang gutom mo. Ikaw na bahala kung saan tayo kakain."

"Nako, yung mga alaga ko sa tiyan ay super nagwawala na." Natatawa siya habang pinapanood itong iniikot ang swivel chair.

"Bumalik ka na sa trabaho mo girl!" Ibinalik niya ang tingin sa computer at nagsimula na uli sa pag-aayos ng file sa hard drive niya.

"Sungit naman nito." Sabi ni Kara. "Oo nga pala, aattend ka ba dun sa company lunch sa isang araw?"

"Oo, required diba? Nagse-set up na nga sila para dun eh. I read the papers about it at sa Orion Hotel daw yun diba?" She said.

"Nope, nailipat daw kasi sabi ni Big Boss lahat ng corporate functions natin ay dun sa Celestia gagawin since may makakamura at top quality naman since sakop na din niya yun from his parents." Kinabahan siya bigla doon. What if the staff there recognize her? Malaking problema yun. "Ang dreamy talaga ni Sir Ace ano?"

"Dreamy? Huh?" She asked, kahit naman patay na patay siya kay Ace hanggang ngayon ay kailangan na niyang patayin ang parte ng puso niya na yun para mas mapadali ang paghiwalay niya kay Ace.

"Galing ka ba sa Earth? Ang gwapo kaya ni Sir Ace! Jusko, sino dito ang walang gusto na makatuluyan yun. Sobrang yaman na niya at 31!" Sobrang with emphasis pa talaga ang pagsasabi nito sa kanya.

"Uy, sabi sa taas may girlfriend na daw ah!" Sabi naman ni Maricor ang isa pa niyang katabi ang cubicle. She has been with the company for 3 years now.

"Oh no! Hindi pwede, ako ang aakit kay Sir Ace eh!" Mukhang nabugnot naman si Kara sa sinabi ni Maricor. "Sino nagsabi niyan sayo? Kakalbuhin ko! Pati yung girlfriend ilulublob ko sa tubig ulan sa kalsada."

Nasamid naman bigla si Lucy habang nagtatype kaya naman napaharap sa kanya ang dalawa at tinanong siya. "Okay ka lang ba?"

"Okay lang," hay nako. Masamang magsinungaling pero grabe naman na to. Pati sa sarili niya ay kailangan na niyang magsinungaling. Natigil naman ang pag-uusap nila nina Kara ng maramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niyang nasa bulsa ng coat niya. "Saglit lang ah. Lalabas lang ako. Mahina signal dito eh."

To Love You Better | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon