17: Trust

8.2K 177 8
                                    


"OH LOOK WHO we have here Diane," narinig niyang sabi ng isang boses sa may bandang likuran niya. Nasa mall kasi ngayon si Lucy dahil gusto niyang bilhan ng regalo si Ace for Valentine's day. Ang cheesy man pero gusto niya lang. Ilang linggo na din ang lumipas mula noong birthday ng Lola Rose niya pero naguguilty pa din siya dahil nagselos siya sa walang kwentang bagay, hindi niya lang talaga mapigilan.

"Leslie," sabi niya noong lingunin niya ang nagsalita. Kasama nito ang isa pa niyang dating kaibigan na si Diane. She looks a little plump siguro dahil buntis ito. Kumpara kay Leslie ay nginitian siya nito. "Hi Diane."

"Hi Lucy," sagot naman nito.

"Pregnancy looks good on you, you're glowing."

"Thank you, ikaw ang ganda mo lalo." She felt the sincerity when Diane complimented her pero medyo nasira ang mood dahil sa nakasimangot na si Leslie.

"How was your free stay sa Celestia?" Masungit niyang sabi dito.

"Okay lang, so-so." Aba! Ang yabang talaga ng bruha na to. Ang mahal-mahal ng kwarto pero choosy pa. Kaloka!

Nagpaalam si Lucy na half day lang siya ngayon kasi nga bibili siya ng regalo. Dalawnag araw na lang kasi ay Valentine's na and she wants it to be special for her and Ace. First time naman kasi nilang ice-celebrate iyon.

"Ang tagal naming walang balita sayo mula noong grumaduate tayo." Sabi ni Diane, halatang pinapagaan uli nito ang mood. Ang asim naman kasi nitong si Leslie kaya naiinis si Lucy.

"I went to the States, nag-aral uli tapos doon ako nag-work for a while." She smiled.

"Talaga? Good for you," nilingon nito si Leslie. "Kakain kami ng merienda sama ka."

"Ah, eh." She was hesitant to go. Naaalala pa din niya yung loneliness noong 4th year siya. The world has turned against her and she was so hurt and devastated.

"Sige na, I want to catch up. Hopefully we can all set aside our differences. Matatanda na tayo. Whatever happened then should be forgotten." Mukhang desidido talaga si Diane na isama siya sa merienda.

"Okay, fine. Sumama ka na." Sabi naman ni Leslie.

"Okay," tipid niyang sagot.

Napunta sila sa isang pastry cafe sa loob ng mall. Umorder sila ng iba't isang ice cream, pastries, at drinks. She somehow missed the old days na ganito ang gagawin nilang tatlo sa freetime nila. She missed her friends.

"Look, I swear on my life na hindi ko talaga sinabi yun before." She blurted out. Hindi niya naman alam kung bakit biglang natawa si Leslie sa sinabi niya.

"Lucy, okay na. Whoever did that ay nakarma na. I'm sorry if I was such a bitch back then at nung nakita kita. I was going through a rough time kasi nag-aaway kami ng asawa ko. Alam mo naman na bitch talaga ako." Sabi ni Leslie. Hindi niya tuloy alam kung papaano siya magrerespond sa sudden change in tone ni Leslie.

"Ah, wait. I was not expecting this." She stopped. "Uhm, I'm sorry din for whatever I may need to say sorry for."

"Okay na tayo ah." Diane smiled. "This was seven years in the making."

"And I'm very happy na this happened. Kung sino man talaga ang gumawa noon dati I hope she trips." Natatawa niyang sabi. It feels good to have people back in your lives. Masaya na may mga bagay na naaayos pa naman pala.

"Pero since we're bring the past na. Look oh, si Ace and Eloise." Napalingon siya bigla sa tinuturo ni Leslie sa labas. Hindi niya alam kung papaano nanaman gagalaw. Her heart is beating so fast looking at Ace, may dala itong batang babae na masayang-masaya.

To Love You Better | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon