24: Safe

8.1K 164 8
                                    


MATAGAL NANG NAKAUPO SA LOOB ng sasakyan si Lucy at parang hinahalukay na ang tiyan niya sa kaba. Wala siyang nakikita sa labas kasi piniringan ang mga mata niya at hindi niya man lang alam kung papaano pa siya makakatakas dito ng buhay since mukhang ang goal naman talaga ng walang hiyang si Artemio Rigoroso ay ang pahirapan at patayin siya. Hindi niya mapigilan na umiyak na lang kasi wala sa tabi niya ang asawa niya ni hindi pa nga niya nasasabi dito na magkakaroon na uli sila ng anak.

Lucy is four-weeks pregnant at hindi niya lubos akalain na may ganito pang mangyayari sa kanila ng anak niya. She should have listened to Ace noong sinabi niya na dadagdagan nito ang bantay niya. Kung alam niya lang ay sana hindi na siya lumabas pa ng bahay. May dalawa pang tao na nadamay sa galit ni Rigoroso sa asawa niya.

"How does it feel na sa ganito ka lang matatapos Lucy? You should have just gave in noon, diba?" narinig niya ang nakakatakot na boses nito na malapit sa kanya.

"Maililigtas ako ni Ace, hindi niya ako pababayaan." She said, wanting to believe that Ace will be able to work his way to find her and save her on time.

"Paano ka naman mahahanap ng asawa mo? Ni hindi niya nga alam kung nasaan ka." Sabi uli nito.

The darkness which was caused by the blindfold is making her more anxious. Ang huli lang alam ni Ace na lokasyon niya ay yung kalsada galing sa Angelfields. Paano naman siya mahahanap nito?

"Boss, may balato ba kami dito?" narinig niyang sabi ng isang lalaki sa loob ng sasakyan.

"Kapag natapos ako sa inyo na. Pagsasawaan ko muna." Sabay halakhak nanaman ng matandang lalaki. Naramdaman niya din yung haplos nito sa may bandang hita niya. "Matagal na kitang gusto Lucy."

"Baboy ka! Dapat talaga sayo makulong ka! Walanghiya ka!" she shouted before trying to curl up which she failed at kasi napapagitnaan siya ng dalawang tauhan nito.

"You can scream all you want pero walang tutulong sayo. Malay ba ng asawa mo kung saang sulok ng impyerno ka hahanapin!" Pumailanlang nanaman ang malakas na tawa ng matandang lalaki.

Lucy cried really hard knowing well na ito na ang huling mga sandali ng buhay niya. Walang plano si Artemio Rigoroso na ibalik siya ng buhay o makipag-usap man lang. Pero hindi niya kayang iiyak lang ito. Wala siyang balak na hayaan lang ang mga taong ito na babuyin siya bago ay patayin. Hindi na lang siya ang pinoprotektahan niya. Hindi na lang buhay niya nag mawawala at wala siyang intensyon na iwanan pa uli si Ace. Lalaban siya hanggang kaya niya. She will not die here at kahit kinakain na siya ng takot ay lalakasan pa din niya ang loob niya at pananalig na maililigtas siya.

"Malapit na tayo sa warehouse boss!" sabi ng isa pang lalaki.

"Bakit naman tayo dito boss? Baka naman mahanap tayo agad dito." Sabi ng isa pang tauhan ni Rigoroso.

"Hindi tayo sasabit diyan. Ang alam ni Ace Cojuangco ay sa Cavite natin kinuha ang asawa niya kaya malamang ay sa Cavite iyon pupunta at sa mga malalapit na lugar doon na pagmamay-ari ko. Hayaan niyo siyang maghanap sa wala. Ang laki ng kinuha niya sa akin kaya kukuhain ko naman ang pinakamahalaga sa kanya. Tingnan natin kung hindi mabaliw yun!" Sabay halakhak nanaman.

"Baliw ka! Baliw ka! Ibalik mo ako sa asawa ko!" pilit na nagpupumiglas si Lucy mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya.

"Huwag ka na lumaban kasi hindi ka naman na mananalo. Ako na at ang mga tauhan ko ang huli mong masisilayan na mga tao. You will have to leave this world quietly. Matapos kong gumanti ay aalis na ako at mamumuhay sa ibang bansa. Ikaw ang bayad sa atraso ng asawa mo." Hindi niya alam kung saan nanggagaling yung matinding galit nito gayong ito naman ang nagkamali talaga. Some people really do not understand or know when to accept their own mistakes.

To Love You Better | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon