7: Light

10K 243 9
                                    


BAKIT NGA BA siya may bangs ngayon? Naiirita na siya na natutusok nito ang mga mata niya pero ito lang ang naisip niyang paraan para hindi siya masyadong makilala ng mga tao sa Celestia. It has beem six years pero natatakot siyang makilala at batiin lalo na at kasama niya si Kara at Maricor. Hindi niya gustong magsinungaling pero madaming mabubunyag kung malaman nila nag estado niya sa buhay.

"Mauna na kayo sa loob," she smiled.

"Asa! Sabay-sabay na tayo. Hindi ko alam kung bakit hiyang-hiya ka. Bagay naman sayo yang bangs mo." Sabi ni Maricor sabay hila sa kanya. Akala ng mga ito ay nahihiya siya sa bangs niya.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa dalawa papunta sa table na naka-assign sa kanila. Nasa may bandang unahan sila at malapit sa table ng mga executives. Nakita niyang lumilingon-lingon si Ace sa paligid as if looking for someone. Is he looking for her? She tried to hide smile dahil ayaw naman niyang mag-assume.

"Ang gwapo ni Sir Ace ngayon," napabuntong-hininga pa si Kara sa tabi niya.

"Oo nga eh," sang-ayon naman ni Maricor. "Nasaan kaya si Sir Aidan at Madam Celest?"

Oh, her mother-in-law would have hated to hear Maricor call her that, not that she would be angry pero iritang-irita ito kapag tinatawag na madam, parang ang Mama niya na hanggang ngayon ay naiilang pa din sa yaman nila. Alam niyang hindi aattend ang mga magulang ni Ace sa lunch na ito kasi may flight ang mga ito sa Germany, balak nilang bisitahin ang Papa niya. Gusto niya din yun pero hindi pa siya nakakapagpaalam kay Ace at medyo malaki ang presyo ng pamasahe kaya iniipon pa niya. Matagal pa naman kasi bago bumalik ang mga ito kaya kaya niya pa naman mag-ipon.

"Hindi ata sila pupunta, wala naman ako narinig na darating sila." Sabi niya sa mga ito.

"Ay, nako. Mukhang totoong may girlfriend na si Sir Ace." Bigla siyang napalingon sa kinauupuan ni Ace and you can suddenly see him beaming. May lumapit ditong babae at inasikaso niya itong makaupo. Her heart somehow broke when she recognized the girl. It was Eloise Franco, his girlfriend before Lucy went out and ruined it all for him.

"Ay, si Ma'am Eloise pala!" Sabi ni Maricor.

"How did you know her?" She asked.

"Ano ka ba? She's an executive." So all this time ay magkasama naman na pala sila. Kaya ba iritadong-iritado si Ace sa kanya dahil kinailangan pa siyang balikan ni Ace para sa Papa niya. Isa lang talaga siyang malaking hadlang sa buhay ni Ace.

Nilingon niya uli ang pwesto ni Ace at masaya itong nakikipag-kwentuhan kay Eloise. He was still roaming his eyes as if surveying everyone in the massive dining hall hanggang sa magtama ang paningin nila. Hindi niya alam kung bakit parang nawalan siya ng hininga noong magkatinginan sila pero yun ang nangyari. He just looked at her, his face seemingly sad and guilty at the same time. Si Lucy na mismo ang nag-iba ng tingin to make it less awkward. Hindi niya sisirain ang kung anong meron si Eloise at Ace. Kailangan lang gumaling ng Papa niya and Ace will be free.

"Mag-CR muna ako ah," she said bago tumayo at mabilis na lumabas.

"Lucy?" Narinig niyang tawag sa kanya. She immediately recognized the man who called her. It was Manager Pio, ang isa sa pinakamatatagal na nilang managers sa hotel. Bata pa lang siya ay nandoon na ito. She considered him a uncle and good friend. "Tama nga! Kamusta ka na Lucy?"

"Ayos naman po, kayo? Kamusta po kayo?" She smiled. Nasa may malaking reception lobby sila ngayon. Malaki na din ang inilaki ng Celestia, it has turned out to be one of the very best in the Philippines. The service is supreme and luxury is apparent.

"Ayos lang din. Malapit na ako mag-retire." He said.

"Nako! Talaga po? Bata pa kayo eh." She joked although the grays in his hair says otherwise.

To Love You Better | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon