"BABE, NASAAN KA? Sabi ng secretary mo di ka daw pumasok. " Lucy called up Ace kasi hindi niya naabutan ang asawa sa opisina nito. It's a strange thing na wal aito doon knowing na sibrang workaholic ito. Tinanong niya din sa sekretarya nito kung nasaan ang asawa pero sabi nito ay hindi naman ito pumasok pero impossible yun kasi sabay silang pumasok nito kanina."Uhm, may bigla akong meeting with a client kaya di na ako pumasok sa office after kitang ihatid." Sabi nito.
"Ah, ba't di mo sinabi? Binilhan pa naman kita ng lunch." She wanted to sound as though nagtatampo siya pero hindi naman talaga. She knows more now kaysa sa magtampo dito. She knows that she can trust Ace with all that she has.
It has been the happiest two months of her life. Hindi niya maipaliwanag yung kakaibang saya na dala nung complete and utter confidence in what she and Ace has. Para siyang nabiyayaan ng Diyos. Gusto niya tuloy alamin kung sinalba ba niya ang bansa noong nakaraang buhay niya kaya ganito siya pagbigyan ngayon. She is so lucky and happy. Her marriage is better than ever.
"Sorry babe, babawi ako sayo mamaya. Let's have dinner." Suhestyon nito. She love dates with Ace kaya naman happy na uli siya kahit di niya ito kasabay na kumain ngayong lunch.
"Okay, saan tayo?"
"I want to try a private dining place. Nagpareserve na ako for later. Ipapasundo kita mamaya." Sabi nito.
"Okay, uuwi muna ako so I can change my clothes. Di bagay for date night tong suot ko eh." Hindi niya mapigilan na mangiti. She's always excited for date night.
"See you later babe, love you."
"I love you too, make sure na kumain ka ah." Paalala niya dito.
"Yes ma'am!" Sagot nito. "I'll hang up na babe ah, still have work to do."
"Okay," then the call ended.
Bumalik na siya sa office nila at doon ay naabutan niyang kumakain sina Kara and Maricor. She merrily sat dowm beside them.
"Hi girls," she said.
"O, akala ko kasama ka ni Sir Ace kakain?" Tanong ni Kara sa kanya.
"Nope, may bigla siyang pinuntahan na client. Mag-dinner na lang daw kami mamaya." Malapad ang ngiti niya sa labi. She's always so happy lately.
"Ay nako, super saya mo talaga palagi. Nakakainggit ka!" Pagmumuryot ni Maricor. "Gusto ko din ng lovelife. Bigyan mo naman ako Lucy. Please?"
"Ay nako, kung kaya ko lang kayong bigyan malamang ay binigyan ko kayo. Kayo pa ba?" She smiled at her friends. "Alam niyo, for sure ay darating din yung mga prince charming ninyo. Matagal kong hinintay tong price charming kong to. Promise it'll be worth the wait."
"Sana dumating na siya before mag-expire ang egg cells ko." Kara sighed.
"Baliw, ang bata mo pa no!" Natawa siya sa komento nito.
Parang isang iglap lang ay tapos na ang workday na ito. Nakauwi na din siya at nakapagbihis sa bahay. She opted for a light yellow knee-high flowy dress, nude high heeled sandals, and simple make up. She let her long hair loose kasi mas gusto din ni Ace kapag ganoon ang ayos niya. Masaya at kontento na siya sa pag-iimagine ng magiging date nila kaya naman busy siyang nakatingin sa kawalan.
"Ma'am napansin niyo po ba yung itim na kotse diyan sa may side ninyo?" Tanong ng driver sa kanya. Bigla tuloy siyang nahila mula sa daydream niya.
"Alin manong? Itong Honda City?" She asked him.
"Opo, kanina pa po kasi natin yan kasabay. Mula pa doon sa subdivision." Medyo kinabahan siya sa sinabi ni Manong John. Hindi niya naman kasi napapansin iyon kasi nga masaya siyang nag-iisip tungkol sa magiging date nila ni Ace.
BINABASA MO ANG
To Love You Better | ✅
ChickLitCojuangco Series #1: Ace Nikolai Cojuangco 7 years ago Ace married Lucy. Akala ng lahat ay ayos na dahil kasal na sila, na baka lahat ng hindi tama ay maitatama pero hindi. That one mistake that led them to marriage haunted Lucy. 6 years ago, Lucy l...