SNEAK PEEK to THE QUEEN'S BAD BOY (Aicelle)

5.7K 89 2
                                    


"ATE, HINDI BA dito mag-aaral si Ace?" Tanong ni Lucy kay Aicelle habang naglalakad sila papasok ng campus ng St. Faustine University.

Aicelle is currently a first year college student habang nasa grade six naman si Lucy na panganay na anak ng Ninong Phoenix niya. Patay na patay ito sa kambal niyang si Ace at kahit bata pa silang tatlo ay boto na siya kay Lucy. She knows that this girl will make a wonderful wife for Ace at mukhang may something naman ang kuya niya dito. Paano ba naman he's super protective of her.

"Hay nako Lucy, papagalitan ka nanaman ni Ninong kapag narinig nun na di mo tinatawag si ahia ng 'kuya'." Natatawa niyang sabi dito.

"Ate Elle naman eh, ayoko na tawagin siya ng ganun kasi ang awkward eh crush ko siya." Depensa pa nito sa sarili.

"Just don't get caught when you call him just by his name." Nilingon niya ang paligid. "Ahia is going to another college cause he wants a change in sceneries. He's been studying here since high school.

"Saan siya mag-aaral?" Halata ang lungkot sa mukha nito.

"Well, sa Ateneo siya pero don't be sad kasi malamang bibisita yun sa atin dito." She smiled as she assured Lucy na makikita pa nito ang sinisinta. "Tsaka ang dalas mo naman sa bahay kaya malamang palagi mo pa din siya makikita pero remember to focus sa studies mo muna. Okay?"

"Yes ate!" At masaya na silang naglakad papunta sa grade school building. Madalas kasi niyang ihinahatid si Lucy kahit na noong nasa hugh school pa siya at ang kuya niya. They walk her to her building tapos tsaka lang sila lalakad papunta sa building nila. Nakakamiss talaga na kasama niya lang palagi ang kuya niya.

"Ingat ka ate!" Sabi sa kanya ni Lucy.

"Ikaw din, huwag kang pasaway." She smiled and walked away. Para talagang kapatid na ang trato niya kay Lucy, she's another sister that she has.

Noong maihatid niya si Lucy ay naglakad na din siya papunta sa building niya. It is her first day in college and she wants to make it worthwhile. Fine Arts ang pinili niyang kurso kasi bata pa lang siya ay arts talaga ang naging calling niya. She loved colors and paintings and she has developed a sort of talent for it. Balak niyang gamitin ang matututunan niya sa business nila na clothing.

***

"Mommy, will it be alright if I take up Fine Arts?" Matagal na siyang kinakabahan sa gusto niyang kurso kasi hindi business inclined kaya baka tanggihan siya ng mga magulang niya.

"Fine Arts? Oo naman anak." Ngumiti ito sa kanya bago hinaplos ang pisngi niya. "Bakit naman hindi?"

"Kasi baka gusto niyo po ni Daddy na business ang kuhain ko na course." She exhaled, grabe yung takot niya na baka magalit ang nanay niya sa gusto niya.

"Gusto namin siyempre na alam niyo ang business natin when the time comes kasi kayo lang magkakapatid ang magmamana nun pero mas gusto namin na maging masaya kayo sa choices niyo." She smiled. Bakit nga ba naman siya matatakot eh her parents are the most understanding people she knows.

"Thank you Mommy," niyakap niya ang ina. "I will take extra classes for business para po alam ko din siya."

"That's good pero di ko iiimpose sayo. If you want to take those subjects then go ahead." Her mothet always understood her, so does her dad.

"Do you think dad will be okay with this?"

"Dad will be okay with what?" Sakto naman na pumasok ang ama niya sa kwarto. "I bought you your paints."

To Love You Better | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon