Satine's POV
"Kuya!"sumigaw ako nung makita ko si Kuya Jake na naghihintay sa akin. Kaagad siyang napangiti at tumakbo na ako papunta sa kaniya.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa tuwa at kaagad ko siyang niyapos nung magkasakubong na kami. Tumawa naman siya at medyo binuhat ako sa pagkayapos namin.
"Sobrang namiss kita Kuya!"tuwang tuwa na saad ko at mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.
"Namiss ka rin namin, Satine"saad niya at bumitaw na siya sa yakap.
Napangiti naman ako nung magkatitigan kami.
"Grabe! Ang tangkad mo naman, Kuya!"saad ko at natawa siya.
"Hindi ako matangkad, sadyang pandak ka lang"
"Grabe!"sigaw ko at pinalo siya. Natawa naman siya at inakbayan ako.
"Basta ang mahalaga, umuwi ka na ulit bunso. Haha"saad niya at napangiti naman ako.
Well, ganyan lang naman kami kaclose nung Kuya ko. AS IN SOBRANG CLOSE!
Siya si Jacob Christopher Montemayor, I call him Kuya Jake. He's actually my stepbrother. Yung Mother kasi ni Kuya, pumanaw after niya manganak para kay Kuya Jake. And then when Kuya Jake turned 7 years old, his Father married my Mom. She's an American and then after 2 years, they've had me.
I'm Satine Monique Montemayor, 18 years old. I was born here in the Philippines but when I was 8 years old, dinala ako ni Mommy sa America at doon kami nanirahan. My Father and si Kuya Jake naman ay naiwan dito. May work kasi si Mommy na hindi niya pwedeng iwanan basta basta sa America, hindi rin naman niya ako kayang iwanan dito kaya sinama na niya ako.
10 years akong nanirahan sa America pero now that I'm 18, I really want to spend time with my Dad and with my Kuya. They're really close to me even though I'm far away from them. Lalo na si Kuya Jake. Bata palang ako, alagang alaga na niya ako. Siya yung laging nagbabantay sa akin kasi sila Daddy busy sa business namin. He taught me how to ride a bike and how to play the Filipino games. Like Patintero or Tumbang Preso so I really miss those. Hindi ko kasi nagagawa sa America yun. And my Kuya was my Hero before. Siya kasi yung nagtatanggol sa akin kapag may nang aaway sa akin noon. Tinatawag kasi akong White Lady dati nung bata ako ng mga classmate ko noon kasi ang maputi ko raw. Well, I studied in an International School so maraming mapuputi pero ako yung binubully na White Lady. Hahaha. But I was young back then. Kuya is really my favourite person in the whole world! Kaya mahal na mahal ko yun eh. Sobrang love na love ko.
"Kamusta na Kuya? Okay ba ang business natin diyan?"tanong ko habang tulak niya ang cart kung nasaan ang mga bagahe ko.
"Okay lang naman"sagot niya "Medyo abala nga ako kasi ang dami kong inaasikaso"
"Eh si Daddy? Kamusta na?"tanong ko ulit.
"Ayun, pabawas na ng pabawas ang buhok sa ulo"
"Uy! Grabe hahaha!"pagtawa ko kasabay nang konting pagpalo.
"Hintayin na lang natin dito si Manong, tinamad kasi akong magmaneho kaya yung driver na lang ni Daddy yung kasama ko pagpunta rito"saad niya kaya naghintay na lang kami.
"Bakit hindi sumama si Daddy sa pagsundo sa akin?"tanong ko at medyo nagpout lips.
"Eh inuubo kasi si Daddy, hindi ko na lang pinapunta rito kasi nagpapagaling pa"sagot niya "But he's very excited to see you, Satine. Nagpaluto nga siya ng mga paborito mong pagkain kay Manang eh tapos pinatawag niya mga tita at tita natin. Parang may pafiesta si Daddy"
Kaagad naman akong natawa "Aba syempre naman, ang unica hija ng Montemayor ang uuwi after 10 years eh!"saad ko at natawa naman siya.
"Kahit kailan talaga ang lakas mo kay Daddy"saad niya at pinisil ang pisngi ko. Natawa naman ako at niyapos ko siya.
BINABASA MO ANG
When You Love A Woman
RomanceWhen You Love A Woman By Renesmee Keynes Ang Pamilyang Montemayor ay isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Bukod sa malawak nilang Hacienda sa probinsya ay nagmamay ari din sila ng isang sikat na condominium sa bansa. Si Jacob Montemayor ang...