Devlin's POV
Halos umub-ob na ako sa lamesa sa sobrang dami kong ginagawa ngayon dito sa opisina. Nakakatamad na talagang magtrabaho lalo na't hindi ko gusto ko ang ginagawa.
Nabigla naman ako kasi nagtext si Art sa akin.
..
From: Art
Ate, mamaya na yung date namin ni Satine :(
..
Kaagad naman akong nabuhayan kaya tinext ko na rin siya kagad.
..
To: Art
Oh? Anong problema? Isang linggo rin natin halos pinaghandaan yun di ba? Kayang kaya mo yan!
..
Ibababa ko palang yung cell phone ko ay nagreply kaagad siya.
..
From: Art
Kaso may kasama raw siyang bodyguards. Hindi siya pinayagan ng Kuya niya na walang kasama na bodyguards.
..
ANAK NG TINAPA KA NAMAN JACOB! Para date lang eh!!
..
To: Art
Hay naku! Pagpasensyahan mo na lang talaga ang overprotective niyang Kuya. Hayaan mo na, mas maayos na yan kesa naman siya ang sumama. Hahahaha! Huwag mo na lang pansinin yung guards niya. Ganyan talaga si Satine kahit nung bata pa, may bodyguards siya palagi. Masasanay ka rin :) Huwag mo na lang pansinin.
..
Kakausapin ko talaga itong si Jake kapag nagkita ulit kami. Anak siya ng tokwa niya.
"Am I disturbing you?"
Nabigla ako kasi biglang may pumasok at natawa na lang ako nung makita ko kung sino yun.
"What are you doing here babe?"I asked. Tumayo ako para lapitan siya't yakapin. Mukhang galing sa campus si Ian, nakabag pa eh.
Hinalikan niya ako sa labi "Dinadalaw ka, of course"
Napangiti naman ako at muli siyang hinalikan sa pisngi.
"It's good to see you here. Sobrang nakakapagod dito"saad ko at pinaupo ko siya sa sofa.
Natawa naman siya "Cute naman ng denim shorts mo"saad niya at medyo napangisi ako.
"May donuts akong dala oh, kumain ka"saad niya at tinabihan ko siya.
"Ikaw? Kumain ka na ba?"tanong ko at binuksan yung dala niyang Krispy Kreme.
"Sumubo lang ako ng ilang donut"sagot niya at kumuha na rin ako ng makakain ko.
"Dami ko kasing inaayos eh. Nagkakaproblema kami sa investment namin"
Napatango tango na lang siya at kinuha ang phone niya. Kumain naman na lang ako at napansin ko na napangiti siya habang nakatingin sa phone niya.
"Sino 'yan?"tanong ko.
"Wala"sagot niya at parang nagtype siya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Sino nga?"tanong ko.
"Si Patrick, yung blockmate ko"sagot niya "Nagyaya mag inuman mamaya"
Lalaki? Tapos ngingitian niya ng ganun? Ayos ah
"Ahh, then go. Kung hindi ka naman busy"saad ko naman at napasandal na lang sa sofa.
Napatango lang siya. Hindi ba niya pansin na sarcastic ako?!
BINABASA MO ANG
When You Love A Woman
RomanceWhen You Love A Woman By Renesmee Keynes Ang Pamilyang Montemayor ay isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Bukod sa malawak nilang Hacienda sa probinsya ay nagmamay ari din sila ng isang sikat na condominium sa bansa. Si Jacob Montemayor ang...