Jake's POV
"Wooooooow!"tuwang tuwa si Satine nung makarating kami rito sa isang resort sa Palawan.
I promised Satine that we're going on a vacation so now, my whole weekend will be with Satine. Me and her, just us.
"Kuya! Ang ganda dito!"tuwang saad niya at napatango tango na lang.
"Maganda nga"saad ko. Kasing ganda nung nasa pictures online. I saw this resort online and nung nakita ko yung pictures and some reviews of the customers kaagad na lang akong napa reserve nang biglaan kasi alam kong matutuwa si Satine. Kaagad akong kumuha ng dalawang ticket para sa amin ni Satine at lumipad kami rito sa Palawan.
Pumunta kami sa hotel na pinareserve-an na namin ng room at kaagad naming kinuha ang susi namin.
"Dalian mo Kuya! I wanna go to the beach na!"Satine said.
"Saglit lang"saad ko habang bitbit yung sports bag ko "For your information, I paid too much for you. Be thankful"
"I know Kuya! Hahaha! Thank you for reserving the suite one!"
Napabuntong hininga na lang ako. Ang spoiled talaga.
"Fifty grand for one night is too much ah. Masyado ka na talagang spoiled ni Dad"
"Hihi! Fifty grand lang pala eh"
"Anong fifty grand lang?! Ikaw magtrabaho"saad ko at niyapos niya ako. Buti na lang, kami lang ang nandito sa elevator.
"Thank you Kuya! Hihi, I know how much you love me talaga"
Hay naku talaga! Ang lakas lakas niya sa akin.
"Bakit ba ang saya saya mo? Parang hindi nawawala ang ngiti mo?"
Napansin kong namula siya "Wala ah!"
Napakunot noo ako. Actually nung isang araw pa 'yan. Nung isang araw ko pa kasi sinabi sa kaniya kung saan kami pupunta tas sobrang saya niya. Hindi ko alam kung bakit. Tapos nag impake kaagad siya, excited na excited. Parang sobrang saya yata niya para pumunta sa resort na ito.
Nung marating na namin ang room namin ay kaagad siyang pumasok at natuwa.
The room is nice.
"Woooow!"Satine was amazed.
"Kuya! Ang gandaaaa!"nagtatalon talon siya sa kama.
"Fix your bags muna"
"Okay, wait"sagot niya at umupo ng kama. Binuhay ko naman ang aircon at tiningnan ang paligid.
Maganda nga naman ito ah. Ngayon alam ko na kung bakit umabot ng fifty thousand per night ito. Tsaka, virgin island.
"Yeah! Andito kami! Hahaha!"
Napatingin ako kay Satine kasi may kausap siya sa cell phone niya. Nagtaka naman ako. Sino kausap nito?
"Yeah! Hahaha, surprise! Hahaha well, my Kuya and I talaga are planning to have a vacation then nahanap niya itong resort out of nowhere then nung sinabi niya sa akin kung saan kami magbabakasyon, I was so happy! What a coincidence right?"
Lumapit ako sa kaniya at medyo nagpamewang ako sa harap niya. Kaagad naman siyang napatingin at tumingala sa akin.
"Who's that?"tanong ko.
"Nobody"sagot niya.
I squinted. She laughs.
"It's Art"
"What?"
"He's going here!"
"WHAT?!"
Kaagad kong kinuha ang phone niya at kinausap si Art.
BINABASA MO ANG
When You Love A Woman
RomanceWhen You Love A Woman By Renesmee Keynes Ang Pamilyang Montemayor ay isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Bukod sa malawak nilang Hacienda sa probinsya ay nagmamay ari din sila ng isang sikat na condominium sa bansa. Si Jacob Montemayor ang...