Chapter 12

40 2 0
                                    

Devlin's POV

Umagang umaga palang, kitang kita ko na ang gana ni Art. Napapakunot noo na lang talaga ako. Sino bang tao ang ngingiti habang pinagmamasdan ang kinakain niya?

Hello? Scrambled egg lang yung ulam namin tapos ngingiti siya?! In love na ba talaga 'tong kapatid ko?

"Oy"siniko ko siya nang bahagya at napatingin siya sa akin.

"Pasalamat ka umalis nang maaga si Mama at Papa"saad ko "Makakangiti ka nang basta basta ngayon, pero bakit nga kasi? In love ka na ba talaga ng sobra sobra na bonggang bongga?"

He smirked "Nakakakilig talaga Ate eh"

"Ayiiieee!"kaagad ko siyang kiniliti at natawa lang siya.

Buti na lang kaming dalawa lang dito ngayon. Makakapagbiruan kami.

"Ano bang nangyari? Kwento mo na"saad ko.

"Ayoko Ate, kikiligin na naman ako iiih"

"Luh? Luh? Luh? Luh? Luh?!"pangloloko ko at muli siyang natawa.

"Sige naaa! Kwentuhan mo na ako hangga't may oras pa tayo"saad ko.

Bumuntong hininga siya "Remember the Journey album?"

"Yeah?"

"Well, di ba sabi ko mali yung natanggap ko. Dapat dalawang album makukuha ko"

"Yeah?"

"Tapos kahapon, nung papunta na ako sa opisina mo. Nakita ko siyang nagrereklamo sa operator natin. And narinig ko about Journey album. So nakinig ako"

OMG!

"Then I asked her kung anong nirereklamo niya. Tas sabi niya mali raw kasi yung natanggap niyang album. Dapat daw Journey's Greatest Hits with signatures matatanggap niya sa halip na Greatest Hits at Departure. WHICH IS yun ang order ko"

"So nagkapalit kayo?! KAYO YUNG NAGKAPALIT NG PADALA?!"nanlalaking matang tanong ko

Ngumiti siya at tumango tango "Yeah"

"AAHHH!"muli akong kinilig at inalog alog na naman siya.

"Destiny! Tadhana! Bongga!"sigaw ko sa kilig at natawa nanaman siya. Halatang kinikilig talaga siya.

"Buruin mo! Sa dinami rami ng taong pwedeng mapagpadalahan nung inorder mo, sa kaniya pa napunta! AT! Sa saktong sa company pa natin! Gosh! TADHANA YAN!"

Umiling siya at natawa "I don't believe in those"

"Well you should be! Nangyayari na sa'yo ngayon yan oh!"pagkokonsinti ko.

"Ih, Ate! Bakit nangyayari sa akin 'to?"

Natawa naman ako kasi he's really naïve.

"Ganyan talaga ang pag-ibig,kapatid!"pagbibiro ko.

Napatawa na lang siya at muling kumain. Namumula ang kapatid ko oh! Kinikilig ng sobra sobra 'to. Hahahahaha.

"Destiny yan, kasi unang una, sa shipping company pa natin, tapos saktong tungkol sa Journey pa ang naglapit sa inyo. Destiny yan!"saad ko.

"Ang mas nakakatawa niyan Ate, parehas kami ng seller. Iisang tao ang binilhan namin ng album"

"Aaahhhh! Jusko! Yan na nga yun!"sigaw ko at mas kinilig.

"Plus! Parehas din kaming bumili ng album para sa kapatid. Kasi siya, bumili siya ng album para sa Kuya niya at ako naman, bumili para sa Ate ko. So parang parehas na parehas talaga"

"THAT'S DESTINY TALAGA! Aaahhh!"

Lalo akong nagwala sa kilig at todo tawa siya. Grabe ang galing naman nun! Para talaga silang pinaglapit ng tadhana! Hahahahaha!

"Jusko! Huwag mong papakawalan 'yan! Minsan lang dumating yung ganyan"saad ko at natawa siya.

"Ano? Panghahawakan ko na?"

"Oo!"

"Paano ko panghahawakan samantalang hindi naman siya sa akin?"tanong niya.

Napangisi naman ako

"Art, may mga bagay na nakatakda para sa'yo. Minsan kailangan mo na lang talagang hatakin yun kasi minsan, hindi sila ang lalapit sa'yo. Ikaw ang lalapit sa kanila. Kaya nga may mga nakatadhana para sa atin na hindi napupunta sa atin eh, kasi hindi natin yun nahahatak at hindi rin sila lumapit sa atin"

Kumunot naman ang noo niya "Akala ko ba nakatakda nga, so dapat malalapit sa atin yun"pagtataka niya "Tadhana natin yun eh"

Tumawa ako "Gago ang tadhana, Art. Gago na, tanga pa. Huwag ka masyadong umasa sa kaniya. Di siya mabait"

Natawa naman siya at napailing iling

"So minsan, kailangan kong hatakin na lang?"tanong naman niya.

"Yes because sometimes, destiny disguises as an opportunity. So grab the opportunity, it's like grabbing your destiny"

Napangiti naman siya na parang naintindihan ako. Nginitian ko naman s'ya at muli akong kumain.

"Wow"bulong na lang niya.

Well, for my 26 years of existence isa yan sa mga natutunan ko. Hahahahaha.

"So what's her name?"I asked

"Satine"

Kaagad akong napatingin sa kaniya

"Come again?"

Tumingin siya "Satine"sagot niya "Nung una nga, Tine lang ang alam ko. Yun pala Satine"

Napakunot noo ako. Satine?

Bakit iba ang naramdaman ko sa Satine na yun?

"Ano nga ulit itsura niya?"tanong ko.

"Mestiza"

"Uh-huh"

"Medyo chinita eyes"

Chinita?! Teka!

"And she looks like an American"

AMERICAN?!

Medyo napakunot noo na talaga ako at nakaramdam ako ng kaba.

"Alam mo ba totoong pangalan niya?"tanong ko

He shrugs and shakes his head a bit

Hindi kaya Satine Montemayor?

TEKA!

Ang alam ko nasa America si Satine! Imposibleng siya yun!

"Umm, ano pa?"tanong ko "Ano pang itsura niya?"

"She's a small girl. Looks like 5'3 feet. And she has a brownish hair"

Shit! Imposibleng si Satine Montemayor yun! Ang nakababatang kapatid ni Jake.

"Ate?"pag aalala niya at kaagad akong napainom ng tubig.

"A-Ate, okay ka lang?"tanong ulit niya.

Hindi ako nakasagot at nilunok ko ang tubig. Huminga ako ng malalim.

Kalma Devlin, maraming Satine sa mundo. I mean, Satine is a unique name pero marami pang Satine! Imposibleng siya ang nakilala ni Art.

Teka, hindi ba't bumili yung Satine ng Journey album for her brother? So pwedeng para kay...

Kaagad nanlaki ang mata ko.

"Kailan kayo magmemeet nung babaeng yun?"tanong ko.

"Ha? Umm, sa weekend"

"Make it tomorrow"saad ko.

"W-Why?"pagtataka niya

"I wanna meet your destiny"I lied.

He rolls his eyes "Weirdo"

"Sasama ako kung bukas kayo magkikita"saad ko.

"Sa Saturday na Ate"paglaban niya.

"No! Tell her tomorrow"

Napatingin siya sa akin at lalong nagtaka

"Bakit parang gustong gusto mo siyang makita. Kilala mo ba siya?"

Napatulala na lang ako sa tanong niya.

Kilala ko nga ba?

When You Love A WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon