Chapter 3

98 10 1
                                    

Jake's POV

Tinutulungan ko si Satine na magtanggal ng gamit sa loob ng mga bagahe niya. Alam ko kasing pagod na pagod na siya kasi ang dami niyang kinausap kanina lalo na't sina Tita at Tito pa naman ay talagang paborito siya dahil sa bait at ganda niya kaya pagod na pagod siya kaya tinulungan ko na. Syempre yung mga damit yung inayos ko at ang lahat ng underpants or wear niya, siya ang nag-ayos.

Halos mag aalas dos na ng madaling araw at talagang pagod na kami.

"Kuya, I forgot, may pasalubong ako sa'yo"saad niya at tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sahig. Nakalagay sa likod niya ang dalawang kamay niya na kala mo naman may surpresang malaki.

"Ano na naman?"tanong ko.

"Tada!"

Kaagad nanlaki ang mata ko nung makita ko ang isang black tshirt na may Journey na print. Nakakatuwa kasi ang ganda nung kay Steve. Kumakanta siya habang hawak ang mikropono at nakapikit. Inikot niya ito at mas lalo akong natuwa dahil nakasulat sa likod ay "Huge Filipino Fan of Journey" at may watawat pa ng Pilipinas.

"Wow!"tuwang saad ko at kinuha ito

"Do you like it?"tanong niya at lumaki ang ngiti.

"Do I li- Oh my Goodness Satine. I love it! Thank you"saad ko at napangiti siya.

"Naks naman talaga oh. Basta Journey eh noh?"saad niya at niyapos ko na lang siya.

"I love it, I'll wear this tomorrow"saad ko at kinissan siya sa noo niya. Napatawa lang siya at inakbayan ako.

"May isa pa akong gift Kuya! Kaso, baka malate kasi sa America ko pa naorder yun eh"

"Oh? Edi ang laki pa ng gastos mo? Hay naku ikaw talaga"saad ko at pinat ang ulo niya

"Hahaha! Wala sa pera 'yan Kuya. Basta mahalaga, mapasaya kita. Di ba?"

Napangiti naman ako "Hay naku, wala na talaga akong ibang hihilingin pa. Ikaw lang, masaya na ako eh"

Tumawa siya "You still need a girlfriend, Kuya. Huwag ka nga!"saad niya at bumalik na lang siya sa pagtutupi niya.

Hay naku, ipapasok na naman niya ang usaping iyon.

"You need a girlfriend, who will become your fiancée, who will become your wife, who will become the Mother of your children. In short, you need a real life Kuya. Hindi pwedeng sa work mo at sa pamilya lang natin tatakbo ang buong buhay mo. You need to have kids. You need to fall in love again"

Naparoll eyes ako "Paano kung hindi na ako main love ulit? Tsaka kuntento na naman ako sa ganito. Wala na akong reklamo"

"Ang sabihin mo na lang kasi hindi ka pa nakakamo-"

"Naka move on na ako, okay?"kaagad na supalpal ko kay Satine "Nakalimot na ako sa lahat ng nangyari. I told you, 6 years na yun. Sobrang tagal na nun oh. Masaya na ako, Satine Monique. Kaya huwag mo na lang akong pilitin"

Bumuntong hininga siya na medyo malakas.

"Bahala ka nga Kuya. One day, you'll see her again. Makikita mo she's happy with someone else. Might be her boyfriend or husband. Kapag nakita mo ba siyang masaya na tapos ikaw, zero lovelife, matatanggap mo ba?"

Napatigil naman ako sa tanong niya at hindi na talaga ako nakasagot. Tumahimik na lang ako habang nag-papatas ng damit niya sa cabinet.

"Kuya, someday I will get married too. Hindi naman ako ang makakasama mo habang buhay eh. You need to make a decision now before it's too late"

Napatingin ako sa kaniya at medyo ngumiti siya

"Ayoko lang talaga kitang makitang mag-isa, Kuya. Gusto ko mahanap mo na rin ang babaeng mamahalin mo"

When You Love A WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon