Art's POV
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa windshield. Napakanormal lang ng araw ko. Pumasok ako ng campus, nakinig sa Prof, kumain, natulog sa klase at umuwi. Talagang pumapasok ako ng campus na saulo ko na yung gagawin. Saulo ko yung routine ko araw araw. Hindi ko naman masabi na hindi ako masaya pero hindi kaya nakakabagot 'to pagdating ng panahon?
Paano kaya kapag nakagraduate na ko? Mababago ko na ba yung routine ko? Aba malamang, kasi magtratrabaho na ako.
Kaso yung problema ko, yung magiging trabaho ko naman business lang din namin. Hindi kaya magsawa ako?
Ang dami ko nanamang tanong tungkol sa future ko tapos yung present di ko maayos. Di ko pa pala nagagawa yung report ko sa Marketing! Tsk, for sure, kikuwestyonin na naman ako ng magaling kong Prof.
"Oy, tulala ka na naman"
Napatingin ako sa kanan ko. Anak ng tokwa! Nandito na pala Ate ko.
"Ano? Nabigla ka na naman kasi nakapasok na pala ako ng kotse?"tanong niya at napangisi na lang ako.
"Hi Ate"bati ko at bineso siya. Tinaasan lang niya ako ng isang kilay at napangiti na lang ako nang bahagya.
Nagsuot na siya ng seatbelt at umalis na kami.
"Alam mo Art nabobother na ako ah. Susunduin mo ako rito sa office, iiwanang unlocked ang pinto ng kotse tapos mapapatingin ka na lang sa akin kapag nagsalita na ako"saad niya "Ano ka ba naman? Paano kung hindi ako ang pumasok ng kotse? Malalaman mo ba kaagad yun? Baka mabudol budol ka, loko loko ka talaga"
Napatawa na lang ako at nagmaneho na ako.
"Paano ako mabubudol budol eh nakapark itong kotse sa harap ng office mo, may papasok ba na magnanakaw dito?"tanong ko.
"Ay naku Art, hindi mo alam ang mundo. Kahit sino pwedeng mabudol budol noh? Kaya maglalock ka lagi kapag hinihintay ako, at huwag ka na laging tulala"
"Yes Mom"bulong ko.
"Ano??"
"Opo Ate Devlin"sarkastikong saad ko.
"Ayaaaan"bulong niya at para na lang nakuntento sa sinabi ko.
Siya si Ate Devlin, Devlin Athena Rivero. Ang pambansang tagapayo at tagabantay ko. Well, close lang kasi talaga kami niyan even though di kami lumaki ng magkasama. Baby palang kasi ako, si Papa na yung kasama ko sa bahay namin dito sa Manila. Tapos si Ate Devlin nasa province kasama si Mama.
Nung college lang siya dito tumira sa Manila at doon lang talaga kami nakapag bond nang maayos. Sinulit na lang namin yung mga oras na magkasama kami.
Ako si Art Devon Rivero, my family calls me Art. I'm 19 years old and second year college na ako. Si Ate naman ay nagtratrabaho sa family business/ company namin. Masasabi talagang tamad ang Ate ko sa business kasi talagang malaro siya at hindi seryoso. Malakas naman siya kay Papa at Mama kaya di naman kami napapagsabihan eh. Hahahaha.
"Nasan yung album ng Bebelabs ko?"tanong niya at hinubad niya ang suot niyang earrings.
"Nakasalang na, alam ko namang papatugtugin mo na 'yan eh"sagot ko.
"Nice. Nice. Nice. Nice."sagot niya at binuhay na niya yun. Hay, good luck ears.
Tumunog ang paboritong banda ni Ate na Journey. Ito nanaman siya, hype na 'yan.
"Just a small town girl!"pagkanta niya at napailing iling na lang ako.
Kelan ba siya magsasawa sa Journey at sa Don't Stop Believin' na yan? Ang sakit sakit na ng tenga ko tuwing naririnig ko yung pagkanta niya.
Pero pasalamat na lang talaga kasi Journey yung favourite band niya kasi kung baka Aegis 'yan, jusko! Baka matagal ng sira yung eardrums ko.
"Come on Steve bebe! STRANGERS! Waiting!"
Anak ng piniritong tokwa naman oh. Kakantahin talaga niya 'to hanggang matapos. Uubusin niya lahat ng kanta sa Album ng Journey. Bibilisan ko na lang magmaneho para makauwi kaagad kami at mapatigil ko na ang pagkanta niya.
"Don't stop believing! Hold on to the feeliiiing!!!"
Napatulala na lang muli ako sa windshield nung makita kong traffic pa. Jusko, parusa ba ito?
"Streetlight!"
Jusko, ito na.
"Peop-ho-ho-wooooooooooooole!"
"Oh no!"I scremed and buried my face into my palm.
"Wahahahahaha!"tumawa naman siya kasi alam niyang pumiyok siya.
"Jusko Ate, stop hurting my ears"saad ko at muling humawak sa manobela. Bakit kasi traffic pa? Ayayay.
"Come on Art! Alam mo namang mahal na mahal ko si Steve"saad niya.
"Alam ko Ate pero sana naman mahalin mo rin ako. Kapatid mo ko. Huwag mong saktan ang tenga ko"
"Ahahaha"tumawa siya at medyo niyakap ako "Alam mo namang ikaw ang number one Baby ko. Baby damulag"
Napangisi na lang ako "Ang tagal tagal na niyang album mo noh? Pero nakeep mo parin"
"Aba oo naman! Jusko, High School palang ako nasa akin na 'yan. Pahirapan kaya makakuha niyan"saad niya at bumitaw na sa akin. Kinuha niya yung album at kinissan niya yun.
"Love na love ko 'to"saad niya habang tinititigan yun.
"Love mo yan? Or yung nagbigay niyan?"
Kaagad siyang napatingin sa akin at natawa ako nang bahagya.
"Timawa ka"bulong lang niya na halatang napikon.
"Ahahaha! Awww!"
Lagi ko kasi siyang inaasar dun. Hahahaha.
"Yung boyfriend mong si Jake ba yun?"
"Ulol, hindi ko naging boyfriend yun"
"Magtatago ka pa eh nahuli na nga kita dati pa!"saad ko "Siya nagbigay niyan nung High School ka kasi nakita ko yung mga Love Letters niya sa'yo"
"EH BAKIT KA KASI NANGINGIALAM NG GAMIT NG MAY GAMIT!"
"Ahahahahahaha!"pinagtawanan na lang siya halatang naiinis na talaga s'ya.
"Alam mo Ate, kahit tinatago mo kina Mama yun kasi baka mapagalitan ka alam ko naman yun noh? Halata ko namang may boyfriend ka nung college ka"
"Hindi nga! Baliw 'to"
"Deny ka pa! Ang tagal na pati nun di ba? Aminin mo na, naging boyfriend mo yun noh?"tanong ko.
"Hindi, baliw"medyo mahinang sagot niya.
"Sus, itatago pa oh. Alam ko strict parents natin pero alam kong naging kayo nun. Bakit hindi mo ko pinakilala sa kaniya?"tanong ko.
"Kasi hindi naman siya mahalaga. Baliw ka, tumahimik ka na nga"sagot niya.
"Kilala ba niya ako?"
"Sa name lang"
"Bakit kasi di mo dinala sa bahay yung boyfriend mo? Edi sana nakilala nina Mama first labidabs mo"
"Ano baaaaa?!"saad niya at pinalo palo ako sa braso.
Hay naku si Ate, itatago pa talaga eh nahuli ko na nga siya noon. I never met that guy. Basta ang alam ko lang, siya si Jacob o Jake. Yun lang. I never met him.
Pero sure akong malaki ang ginampanan niya sa buhay ng Ate ko.
Alam ko may something special sa kanilang dalawa.
Kaso nasira yun sa isang iglap.
Kung ano man ang dahilan, walang nakaka alam.
BINABASA MO ANG
When You Love A Woman
RomanceWhen You Love A Woman By Renesmee Keynes Ang Pamilyang Montemayor ay isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Bukod sa malawak nilang Hacienda sa probinsya ay nagmamay ari din sila ng isang sikat na condominium sa bansa. Si Jacob Montemayor ang...