Chapter 15

57 6 3
                                    

Jake's POV

Kaagad akong nagpunas ng pawis ko sa noo at halos hindi ako makahinga sa nakikita ko. Parang tumatakbo sa karera na kabayo ang puso ko ngayon nung makita ko ulit after 6 years si Devlin.

Sa anim na taon, naging malaki ang mundo para sa amin at hindi kami nagkita. Bakit ngayon pa? Ngayon pa kung kelan itong mga kapatid naman namin ang nagkakilala. Ang tagal ko na siyang gustong makita pero ngayon pa kung kelan tanggap ko na lahat.

"Kamusta ka na?"nakangiting tanong ni Satine kay Devlin "Grabe Ate Dev! Ang tagal tagal na"

"Oo nga, ten years"saad ni Devlin na alam kong sarkastiko ang ngiti niya. Alam ko nabibigla rin siya.

A lot of things changed in her. Hindi nagmamaikli ng shorts si Devlin dati. Ni hindi rin naman siya nagsusuot ng maiikli. She's very conservative and she doesn't like to wear makeup. This is the second time I saw her wearing red lipstick. The first time was our Grad Ball. And after that, wala na.

This feels strange.

"Dalagang dalaga ka na ah"Devlin said "Dati rati parang ano ah, parang naglalaro ka lang noon ng tumbang preso"

Natawa naman si Satine.

Oh God, this is sooo awkward. Malamang puro throwback magiging usapan at ayoko nun!

"Kuya!"kaagad humarap sa akin si Satine at napansin ko si Devlin na napatingin sa ibang direksyon, halatang nahihiya o naiilang.

"Kuya it's Ate Devlin! Can you believe it?!"tuwang saad ni Satine.

"Ah yeah"sarkastikong ngiti ko.

"It's been 10 years for us and 6 years for the both of you!"

"Ahh, hahahaha"sarkastikong pagtawa ko at medyo napatungo.

Letche Satine, never say that again. Utang na labas na talaga! Don't make everything worst, Satine.

"Saglit, magkakakilala talaga kayo?"tanong ni Art.

"Oh! Didn't you know?"tanong naman ni Satine "Your sister and my Kuya were childhood friends"

"Uh-huh?"medyo patanong na sagot ni Art na parang nagtatanong pa kung ano ang dahilan kung bakit kami magkakakilala.

"I used to play with Ate Devlin before"Satine said "Before I migrated to States, the three of us were always together"

Napatango tango naman si Art at medyo pinaglakihan ng mata ang Ate niya.

"Owww"saad ni Art "Magkakakilala pala talaga kayo"

Mas pinaglakihan ni Art ng mata ang Ate niya pero napailing na lang si Devlin kasabay ng pagkipit balikat.

"This is so good! What a small world!"halata parin kay Satine ang saya "Ate Devlin, I didn't know you have a younger brother"

"Oh! Umm, nasa Manila siya then tayo kasi nasa Province so hindi niyo talaga nakilala"sagot ni Devlin.

Hindi talaga ako sanay, she's wearing a lipstick! Red Lipstick pa ah! Hindi ako sanay. Actually, hindi ako sanay sa nakikita kong babae ngayon. Hinding hindi si Devlin 'to. Makikilala na lang talaga siya dahil sa labi niya. Yung makapal na upper lip niya. At dahil sa kilay niyang walang kasing ganda.

Well, hindi nagbago ang katawan niya. Sa wari ko nga mas nakita ang kagandahan ng katawan niya. Pero ibang iba talaga ang itsura niya.

This is not my ex-girlfriend.

Napangiti naman si Satine at muling niyakap si Devlin. Tuwang tuwa talaga siya sa muli nilang pagkikita. Napakamapagbiro talaga ng tadhana.

"Art, thank you so much for bringing your sister here"saad ni Satine habang medyo kayapos parin si Devlin "I miss her so so much"

When You Love A WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon