Art's POV
Huminga ako ng malalim at tinawagan ko na si Tine. Ilang deep breaths to bago ko nalakasan ang loob ko! Sana sumagot siya.
Nagsimulang magring yung cell phone at kinabahan pa ako.
"My jaw's shaking"bulong ko at muli akong huminga nang malalim.
"Hello?"
SHIT!
Ito naaaaa!
"Umm, hello?"pagsagot ko.
"Umm, hi?"
Muli akong bumuntong hininga.
"Umm, hi Tine. It's me, Art"
Hindi siya nakasagot.
"Art! Actually it's my name. Ako yung Journey Album guy"
"Ooow! Art! Okay, now I know your name"saad niya at sa pakiramdam ko nakangiti na siya.
Shit! Bakit ako kinikilig?! Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko! Gusto kong magmura kasi hindi ko talaga nararamdaman dati 'to! Bakit ganito?! Hahahaha. Pakiramdam ko nakakarinig nanaman ako ng kanta sa paligid dahil sa saya ko.
"Umm, hi Tine. Am I disturbing you?"I asked. Shocks! Halata yatang kinakabahan ako. Puro umm at Hi Tine na lang ako. Hahahaha.
"Oh! Umm, no. Actually, I'm just in my room. Umm, glad you called"
"Really? You are?"
"Umm, I mean! I'm glad 'cause you're really planning to bring me album, right?"
Napatawa naman ako nang bahagya.
"Syempre naman, hindi ko naman kukuhanin yun. Umm, siya nga pala. Kanino ka bumili ng album?"tanong ko
"Kay Mr. Evans. Pina auction niya kasi yung Greatest Hits na may autograph kaya binili ko yun"sagot niya.
Kaagad akong napangiti at napapikit. God, why would you do this to me? Hahaha!
"I bought my albums also from him"saad ko.
"Really?!"halatang natuwa siya "Grabe talaga. Small World"
Napatango tango naman ako
"Yeah, small world"bulong ko.
"So, umm Art. May plano ka na ba?"
"Nga pala, ahhmm. This weekend sana eh. Kasi may classes pa ako so I don't think kaya kong isingit"
"Ahh, okay. Sure, free naman ako sa weekend"
Napangiti ako "Great"
"Great"
Ano ba?! Nauubusan ako ng salita! Bakit ba ganito? Hahahaha.
"Umm, Tine gusto ko la-"
"Wait Art?"
"Ah, yes?"
"Sorry ah. Kasi I wrote my name wrong"
"Ha?"
"Actually, it's Satine. Not Tine"
"Oowww"bulong ko.
"Sorry, my hands were shaking or my mind's full when I wrote that kaya siguro Tine lang nalagay ko"
Napangisi naman ako. Bakit naman manginginig kamay niya? Tsaka sinong tao ang nagkakamali sa pagsusulat ng name? Hahahaha, teka. Ayokong mag isip ng kakaiba pero pakiramdam ko kakaiba na yun eh. It's strange.
"Satine? That's a good name. I mean, it's a beautiful name"
Narinig ko ang pagtawa niya ng kaunti sa kabilang linya. Kinilig nanaman ako. Bakit ang lambing ng boses niya? Bakit sobrang lambing?! Hindi makatarungan para sa puso kong kanina pang kumakalabog.
"Umm, Satine I was wondering, I mean I don't want to be straight forward but ummm"
My jaw's shaking!! Ano ba ito?!
Kalma. Kalma. Kalma. Kalma.
"Ummm, can we have a simple dinner this weekend?"I asked "If ever na ipag-exchange na natin yung albums, we can have dinner together?"
Shit, don't say no please!
"Together?"she asked "Sure"
Oh shoot!
"No freaking way"bulong ko habang nanlalaki ang mata.
"Haha, what?"pagtawa niya at napatungo na lang ako.
Bakit ba ako nagkakaganito? Nakakabakla na ah!
"Satine? Satine?"
Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto sa kabilang linya at mukhang may tumatawag sa kaniya
"Umm, Art. I have to go"she said "Mag-usap na lang tayo sa susunod"
"Oh, umm sure. Sige"sagot ko "Umm,Bye Satine"
"Bye, Art"
Pinatay niya ang tawag at natulala na lang ako.
Muling umikot sa isip ko yung boses niya at napahiga na lang ako sa kama. Napatulala at napapangiti na lang ako sa kawalan.
Bakit niya nagagawa sa akin 'to? Anong meron kay Satine?
Anong meron sa kaniya?
Sino ba si Satine?
Bakit niya napapasabik ang puso ko tungkol sa kaniya?
BINABASA MO ANG
When You Love A Woman
RomanceWhen You Love A Woman By Renesmee Keynes Ang Pamilyang Montemayor ay isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Bukod sa malawak nilang Hacienda sa probinsya ay nagmamay ari din sila ng isang sikat na condominium sa bansa. Si Jacob Montemayor ang...