Satine's POV
Habang kumakain ako ng rambutan sa sala ay may kausap na si Kuya sa office room niya sa bahay na ilang mga lalaki. Naghahanap na ng bodyguards ko.
Mababait yung new maids namin sa bahay kaya medyo magaan sa akin dito. Nakahiga ako sa sofa habang nanonood ng tv at nakapatong sa tyan ko ang bowl ng rambutan. Tapos nasa harap kong lamesita ay ang isang bowl pa na para sa balat at buto ng rambutan.
Ang tamis nito oh! Tapos yung tubig pa sa loob ang tamis. Bakit ganun? Hahaha.
"Satine! Ano ba 'yang higa mo?"
Nabigla ako kasi sinita ako ni Kuya.
"Whuut?"tanong ko habang puno pa ng rambutan ang bibig ko.
"Sit up straight and don't talk when your mouth is full. Para kang 'di babae humilata diyan"pananaway niya at bumangon na ako. Nagpunas na lang ako ng kamay gamit ang wet wipes ko at nagpunas na rin ng bibig.
May lumapit sa kaniyang dalawang lalaki at mukhang sila na yung nakuha ni Kuya.
"Satine, I would like you to meet your bodyguards"saad ni Kuya kaya tumayo ako.
"This is Rogelio 1 and 2"
"What?!"
"Joke lang! Si Kuya Simon at David mo 'yan,okay? Siya ang kasama mo dapat palagi kapag aalis ka at hindi mo ako kasama"saad ni Kuya at napatango naman ako.
"Satine po"saad ko at nakipagkamay.
Mukhang mid 30s lang sila at malalaking tao. I guess, okay lang naman.
"You'll use my Montero's Sports and you'll meet your driver later, okay?"tanong niya at napatango naman ako "Here is your car keys and if you'll need anything, Manang will be here naman"
"Are you going already?"tanong ko.
Napatingin siya sa wrist watch niya "Umm, yeah kasi I need to do some stuff at the office and I'll be back by seven"
"Hmm, okay. Pasalubong ah"saad ko.
"Nanaman?"tanong niya habang palabas na ng pinto.
"More sweets please"saad ko at tumango na lang siya at nagsuot ng shades niya.
Hay, bait talaga ni Kuya. Napatingin naman ako sa new bodyguards ko and I smile "Gusto niyo po ng rambutan?"
.
.
.
Nameet ko na yung driver ko at siya na yung naghahawak ng car keys ko. Nandito ako sa kwarto kasi hinahanap ko yung address ng shipping company na kausap ko para sapag papadala nung huling pasalubong ko kay Kuya.
I wonder, kung anong araw darating yun.
Nung nahanap ko yung address at number nito ay sinave ko na lang para if ever may questions or concern ako, mapupuntahan ko na kaagad. Ayoko na madelay yung last gift ko kay Kuya. Well, I've been finding that album for Kuya for almost a year and finally nakahanap ako. Kaya sakto siya kung ireregalo ko kay Kuya.
Journey's Greatest Hits album WITH their signatures. Limited Edition yun kasi it's from a man that was a huge fan of Journey. Highly needed a money for his wife that has a disease kaya binenta niya yung collections niya. Plano ko pa nga bilihin yung isa pang album na Departure pero mas mahal since mas luma yun.
Mas nauna kasi ang Departure na album ng Journey kaysa sa Escape at Greatest Hits kaya mas sobrang mahal. Mahal na rin kasi yung Greatest Hits since with pirma pa so I guess, that's enough to make my brother happy.
Sana makuha ko na kaagad. At sana maayos 'tong shipping company na 'to. Ayokong mapunta sa wala ang pinagipunan ko.
.
.
.
Art's POV
"Nooooo"galit na saad ko habang kausap ko yung babaeng operator sa kabilang linya "Walang malelate na delivery. I've ordered those albums 2 months ago! Wala pa rin hanggang ngayon. Umayos nga kayo!"
"Sir, there's still some inco-"
"Ano ba naman?! Dalawang buwan yun! Regalo ko na dapat yan sa sister ko nung birthday niya pero ano?! Hanggang ngayon wala pa rin! Nakaka abala na kayo"
"Sir, we're tracking some shipping problems po. Hindi naman po mawawala ang padala ninyo dahil nadelayed lang p-"
"Lang?! Bullshit, What the hell is happening with our co-urgh!"
Pinatay ko ang tawag at kaagad kong tinawagan si Ate Devlin.
Sinagot naman niya kaagad ang tawag.
"Ate Devlin!"
"Oh? Bakit?"
"Wala ba talagang problema sa company natin?"
"Huh? Wala naman"
"Ate yung totoo"
Napatigil siya at halatang nagtataka na.
"Bakit ba? Anong problema?"
"Yung classmate ko kasi umorder siya sa States ng necklace. Then he used our shipping company"
"So?"
"Ate, 1 month and a half delayed na. Ano ba talagang nangyayari?"
"Ha? Eh Art naman, that's normal. Maliit na problema lang yun kasi talagang mahirap kapag country to country. Tell me the tracking number at ako na mismong mag aasikaso"
"No"kaagad na sagot ko.
Baka kapag nalaman niya ang tracking number makikita niyang sa bahay namin naka address ang receiver at malalaman niya ang regalo ko sa kaniya. Malalaman niya na I made up that classmate dude and necklace thingy.
Well, that was my birthday gift to her kasi at talagang pinag ipunan ko yun. Bumili ako sa isang lalaki ng dalawang album ng paboritong banda ni Ate na Journey.
Isa, yung Departure at yung isa naman ay Greatest Hits. Sayang nga yung isang Greatest Hits eh, yung isa kasi may pirma ng bandang Journey yung album kaso may kamahalan. Bibilihin ko sana yun kaso nagtaas pa ng presyo since medyo Auction yung datingan nung pagbebenta niya. He needed the money kasi for his wife. So yung Departure at Greatest Hits na walang pirma yung binili ko for my Sister. Hindi ko sinasabi sa kahit sino ang plano kong yun kasi gusto ko talagang masurprise si Ate.
Kaso mukhang sirang sira na ang surprise ko. I have a trust with our company since amin yun at international shipping company yun. Kaya alam kong hindi ako magkakaproblema doon pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagkakaproblema ngayon.
Dati rati, kapag umorder ka ng isang item, 2 days lang ang pagfi-fix sa shipping company 1 to 2 weeks, nasayo na yung inorder mo eh. Pinakamatagal nga niyan, 3 weeks lang. Ganun kabilis yung company namin pero ngayon, di ko alam kung bakit!
Naiinis ako kasi unang una, wala na talaga yung essence of surprise for my Ate at pangalawa, pakiramdam ko may problema talaga sa business namin.
Pakiramdam ko meron talaga.
BINABASA MO ANG
When You Love A Woman
RomanceWhen You Love A Woman By Renesmee Keynes Ang Pamilyang Montemayor ay isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Bukod sa malawak nilang Hacienda sa probinsya ay nagmamay ari din sila ng isang sikat na condominium sa bansa. Si Jacob Montemayor ang...