Chapter 3

80.2K 865 55
                                    

Chapter 3: Getting to know each other





--*--

Gino's POV


Pagkatapos kong maligo ay wala na akong naabutan. Psh, iniwan ba naman ako? Ibang klase talaga.

Nakita ko namang nakaayos ng tupi ang mga damit ko at may papel na nakapatong sa taas nito. Agad kong dinampot yun at binasa.

Mister,

Kung nababasa mo to ay malamang sa malamang ay tapos ka ng maligo. Pakilock na lang ang pinto ng kwarto ko.

-Mikaela

Nagmadali akong magbihis para mahabol siya. Ewan ko ba, naiinis ako kasi iniwanan niya ako dito. Pagkalock ko ng pinto ay patakbo akong sumakay ng elevator.

Pagkalabas ko dumerecho ako agad sa restaurant dun. Ewan, my instincts just told me to do so. At ayun nga, nakita ko siyang lumalamon.

"Hoy" sabi ko at umupo sa tapat niya. Patuloy pa din siya sa paglamon niya. Oo, lamon. Tuloy tuloy lang kasi siya sa pagsubo e.

"Ano" tanong niya habang punong-puno ng pagkain ang bibig niya. Tsk, wala ba tong manners?

"Yung totoo lang ha? Nagkaron ka ba ng subject na GMRC?" Sarcastic kong tanong. Umirap lang naman siya.

"Wapakels, gutom ako."

Napangisi ako. "Pinagod ba kita kagabi?" Bulong ko.

Bigla naman niya akong hinampas. "Gago!"

"Awts!" Natatawa kong sabi.

"Che."

"Di ka mabiro" komento ko. "Nga pala, Mikaela pangalan mo?"

"Ay hindi hindi! Mikaela pangalan mo! Duh!" Sabi niya as she rolled her eyes. "Aw!" Pinitik ko kasi siya sa noo. Pilosopa, amp.

"Eto! Kinakausap ng maayos e" irita kong sabi. "Hindi mo ba tatanungin pangalan ko?"

"Pake ko sayo- AW!" sigaw niya. "Eto na nga e! Eto na!" Lumunok naman siya. "Anong pangalan mo?"

"Gino." Simpleng sabi ko. "Gino Dela Rosa." Bigla naman siyang nabilaukan kaya inabutan ko siya ng tubig. "Anong nangyari sayo?"

"D-Dela R-Rosa!?" Nauutal niyang ulit. Tumango ako. "A-anak ka ba n-ni F-francisco D-dela Rosa?!"

"Uh, yes. He's my father." Naiilang kong sagot.

Nanlaki ang mata niya at yumuko. "Nako. Pasensya na ho kung nasungitan ko kayo. Wag niyo ho akong tanggalin sa trabaho! Huhu!"

"Huh?!"

"E. Ano ho kasi. Empleyado ako s-sa kompanya niyo. Huhu. Wag niyo ho akong tanggalin!"

Napangisi ako. "Ah, so you're our employee?"

"Pajulit julit? Parrot? Unli?"

Tinaasan ko siya ng kilay at napayuko siya.

"Sorry po."

"Haha! Wag ka mag-alala. Hindi pa ako ang nagmamanage nun."

Napabuntong-hininga naman siya. "Tss. Pinakaba mo naman ako!" Sabi niya bago nagpatuloy kumain er- lumamon. "Di ka ba kakain?"

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon