Chapter 47: 1st day- Boracay

55.3K 466 42
                                    

Here's an update guys! :))) Enjoy!!!!!!!!!!

-------------------------------------------

Mikay's POV

Pagkatapos nung nangyari kagabi, napagdesisyunan namin ni Gino na magbakasyon muna ng sandali. Sandaling-sandali lang talaga, para lang makapagrelax kami from stress at kung anu-ano pa. 

Napagdesisyunan din namin na ihabilin si Mikki kay Andrea, kay Mama, kay 'DADDY', kay Kiko, kay Lester, Sed at Katsumi at sa iba pang mga pinagkakatiwalaan namin. 

Tsaka 3 days lang naman kami mawawala, ngayon alis namin. Friday. Maaga nga nagising si Mikki para daw, maabutan niya kami.

Oo nga pala, di kami mangingibang-bansa.. sa Boracay lang kami. Para malapit.

"Mommy, when will- oops! P-pasen-sya. S-sabi k-kow, key-lan pow ba k-keyo b-babalik?" medyo mabilis naman niyang nasabi pero nabubulol pa ng konti.

"Ahh. Sa Monday, baby.. Bakit?"sumubo siya. Kumakain kasi kami ngayon.

"Ahh. W-wala lang pow.." tapo patuloy na siyang kumain.

Nga pala, 6am pa lang ngayon. Sabi kasi ni Gino, since magbabakasyon kami, sulitin na daw namin ung oras.

Maya-maya lang bumaba na si Gino..

"Oh Babe, you ready?" tumango-tango lang ako. Umupo siya sa tabi ko at kumain.

"Baby.. be behave sa mga Tita at Tito's mo ha? Pati kay Grandma and Grandpa? Ha?" 

"Yes Daddy.. I will.." ngumiti na lang si Gino.

-----------------------

Gino's POV

Naayos na namin ung mga gamit namin sa car. Magpapahatid lang naman kami sa airport. Hindi na namin isasama si Mikki sa airport dahil baka biglang isama ni Mikay. Hindi sa ayokong isama si Mikki.. pero I just want to have alone time with my wife.

"Oh.. Si Mikki.." ayan na naman si Mikay.

Kanina pa kasi habilin ng habilin sa mga yaya at sa mga kaibigan nya na wag pababayaan si Mikki.  Wag gugutumin si Mikki. Wag pupuyatin. Turuan everynight ng ten tagalog words or expressions. Painumin ng vitamins. Painumin ng gatas. Pakainin ng gulay. Kulang na lang eh ibilin nya din na paliguan si Mikki.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon