Chapter 11: Birthday
--*--
Mikay's POV
Simula ng mag stop over, hindi na ko nakatulog. Tuwang-tuwa ako kasi nakipagpalit ako ng seat kay Gino tas kitang-kita yung city lights sa ilalim. Ang sarap pala pag gabi bumyahe.
Si Gino naman ang sobrang himbing ang tulog. Ilang oras lang kasi siyang nakatulog e. Saka, mukha namang sanay na siya sa ganitong tanawin at hindi na siya naaaliw at namamangha,
Tinignan ko si Gino. I mean, tinitigan ko sya ng mabuti. Kahit natutulog, kita mo pa din na maangas sya pero medyo angelic din. Matangos ang ilong, mapula ang labi, and the mole close to his lips? Perfect. Gwapo si Gino, hindi ko yun maikakaila. Hay buhay parang--
"Gwapo ko ba?" narinig kong may nagsalita.
"Sobra." out of the blue kong sabi. Nakita kong nakadilat si Gino at nagpipigil ng tawa. Narealize kong, gising na pala sya.
"Salamat!" Natatawa niyang sabi tapos kinurot nya ko sa pisngi.
"Aish." bigla kong tinakpan ung muka ko sa kahihiyan.
"Wag ka ng mahiya.." Asar niya,
"Ah. I hate you." sabi ko at nag-ayos na ng sarili.
Napatingin siya sakin tapos biglang nagbago yung ekspresyon ng mukha niya. Parang naaasiwa. "Mikay, wala ka na bang jacket?" tanong nya.
."Meron. Kaya lang nandun sa chineck-in kong bag eh." manipis kasi ung nasuot ko, tas wala pa kong gloves. Hindi ko naman ineexpect na ganito kalamig!
"Oh.." sabay abot ng jacket at gloves. "Suotin mo, ang nipis ng jacket mo eh."
"Salamat.." Sabi ko tapos nginitian ko lang sya. Lumabas na kami at narinig kong sabi nya.,.
"We're here.."
---
Gino's POV
Nakasakay kami ngayon sa company car na maghahatid samin sa place na titirhan namin. And by the way, hindi bahay ung titirhan namin, condo lang at worst, isa lang yung kwarto.
At ngayon, naririndi na ko dito sa katabi ko kasi wala ng ibang sinabi kundi..
"Wow Gino! Ang ganda naman dito!"
"Wow Gino! Gusto ko un!"
"Wow Gino!"
Parang nung sa Palawan lang. -.- isip bata talaga.
"Wow! Gino! Ang ganda oh!" Simula niya. Ayan na naman po tayo. "Gino! Gino! Ipasyal mo ko dito ha? Please?"
"Hey, remember nandito tayo para jan oh.." sabay nguso sa tiyan nya. "Hindi para gumala."
"Damot." Nakasimangot niyang sabi kaya napangisi ako. Nakakatawa talaga tong babaeng to. Parang ewan.
"Tss. Oo na. Pero, next time na yun. Pag-uusapan pa natin ung set up mo." Ani ko. Napansin kong mas lalo siyang sumimangot,
"Next time na yun! Aish. Kain muna tayo." reklamo nya. Napailing na lang ako. "Sige na! Damot mo sa pagkain!"
"Moody. Oo na, kakain na tayo. Maghintay ka lang kasi medyo malayo pa."
"Okay." Sagot niya at umupo ng maayos.
Pinagmasdan ko siya habang pinagmamasdan niya ang bawat madadaanan namin. Napansin ko ang pagngiti niya pero hindi naman umaabot sa mata niya. Kitang-kita ko din ang lungkot sa mata niya.