Chapter 6

68.2K 609 51
                                    

Chapter 6: UH-OH





--*--

Mikay's POV


It's been three months simula ng seminar ko sa Palawan. It's been three months din na wala akaming communication ni Gino. I dunno if it's a good sign or bad. Last time I checked, he's been busy kasi inililipat na sa pangalan niya ang kompanya nila.

Ngayong araw lang naging free kami pareho. So, he invited me for a coffee break.

*insert nokia tune here*

Gino:

Hey, miss beautiful, wer na u? Dito na me.

Ako:

K~ korni mo. Malapit na

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi kami nagkikita opisina its because na hindi ako sa main branch na-assign. At kahit sa main branch pa ako na-assign, I doubt kung kausapin niya ko. He's like the big boss' son and I'm just an employee. I think our friendship ended there.

Nakita ko siya sa pinakasulok ng coffee shop so I approached him, "Hoy"

Napalingon naman siya at ngumiti. "Hanggang ngayon, 'hoy' parin ang pangbati mo sakin?"

Naupo naman ako sa tapat niya. "Wag kang mag-alala. Next time, boss na."

"Tss. As if I care" he mumbled. "Anyway, kamusta?"

"Okay naman." Sagot ko. Kinuha ko ang menu at tumingin ng maoorder. "Nasusustetuhan ang pamilya at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw"

Natawa naman siya sa sagot ko. "Still crazy."

"Ikaw?" Tanong ko. Huhu, daming food na pwedeng orderin. Hirap mamili.

"Fine, I guess." Sagot naman niya.

He gestured the waitress to come over. Tss, todo ngiti naman tong bruhildang 'to. "Yes sir?"

"Uhm, one choco caramel frappe and?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Um, choco macadamia frappe" sagot ko naman.

He looked at the waitress. "And one red velvet cake and one mango float."

"Is that all sir?" Nakangiting tanong ng babae. Tss, as if madadala yan ng pagfiflirt mo.

"Yes, that's all." Sagot naman ni Gino before he looked at me again. Umalis naman ang waitress na masama ang tingin sakin. Psh.

"Hindi ka talaga aware sa epekto mo sa mga babae ano?" Natatawa kong tanong.

Nangunot naman ang noo niya. "Epekto?" Nagtatakang tanong niya. He leaned forward and rested his elbows on his knees.

"Oo, epekto." Sinulyapan ko yung waitress. "Di mo ba nakikitang nagpapacute sayo yung waitress?"

Tumingin siya dun sa waitress na tiningnan ko. "I thought she was being friendly." Kunot noong sabi nito.

Napailing ako. Wala talaga siyang alam. "Kung friendly siya, edi sana pati ako, ngini-ngitian niya."

Ngumisi naman siya as if may naalala, "Do I have the same effect on you?" Sabi niya bago sumandal ulit sa kinauupuan niya.

I rolled my eyes at his question. Conceited. "Wala! Wag kang feeler!"

Napatawa siya, "defensive."

Our talk was interrupted by the flirty waitress, "here's your order, ma'am" pokerfaced niyang sabi.

Bumaling siya kay Gino at biglang ngumiti. "Here's yours, sir." Sabi nito bago umalis.

Hindi ko na lang pinansin ang pagkaflirt ng babaeng yun.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa three months nang hindi namin pagkikita. Well syempre, puro trabaho ako. Siya naman, puro parties or business matters whatsoever.

--*--

After magkape, we decided na mag-ikot ikot. I guess this is what you call friendly date?

Pero hindi ko rin naman masyado ma-enjoy kasi ang sama ng pakiramdam ko. Nahihilo ako na nasusuka.

"Hey, you okay?" Nag-aalalang tanong ni Gino ng makita ang pagpungay ng mata ko.

"Not really.." Sagot ko. "Um, excuse lang, kailangan ko lang mag-cr."

Nagmamadali akong pumasok sa cr. Pagkapasok ko pa lang ng isang cubicle, hindi na napigilan ng sikmura ko at tuloy tuloy na akong nagsuka. Hindi ko alam pero nasuka ko na yata lahat ng kinain ko kanina.

After kong mag-ayos ay lumabas narin ako.

"Feeling any better?" Tanong ni Gino sakin. He tapped my back.

Umiling ako. "I feel dizzy." Pag-amin ko. "Um Gino, ayoko mang masira ang araw, pero kailangan ko na yatang umuwi. Ang sama talaga ng pakiramdam ko." Napahawak ako sa noo ko ng maramdaman ko na naman ang hilo.

"Sure, no worries." He smiled to assure me.

Pumunta na kami ng parking lot kung saan nakapark ang sasakyan niya. Hindi pa man din ako nakakapasok ay naramdaman ko na naman ang matinding pagkahilo.

"Gino..."

then everything went black.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon