UPDATEEEEEE. Pasensya kung late. Busy kasi kanina ehhh..
Malapit na malapit na ang kasalan and you are cordially invited!
HAHAHAHAHA. Pasensya, gusto ko kasi gamitin ung word na 'CORDIALLY' eh. HAHA ^_^V
--------------------------------------
Mikay's POV
Sa mga nakaraang linggo at araw na nagdaan, mas lalo kaming nagiging busy. Syempre, bukod sa busy kami sa kasal, busy sa trabaho, busy din kami sa pagtuturo kay Mikki ng tagalog.
Oo, tama ang nabasa nyo. We're teaching Mikki, Filipino words. And oo ulit, kami talaga ang nagtuturo. Pano ayaw niya sa mga teachers na nirecommend ni Lukaret.
Kaya gabi-gabi, pagtapos magtrabaho ni Gino at pagkatapos ko din sa trabaho ko, tinuturuan namin si Mikki, kahit konting words lang.
By the way, ay mali, siya nga pala, ung trabaho ko is dun sa boutique ni Mama. Yep, may boutique sya, past time daw.
Panghuli, hindi na kami masyado nagsasalita ng ingles kasi, sinasanay namin si Mikki na marinig kaming nagtatagalog tapos tatanungin nya kung ano ung ibigsabihin nung salitang yun samin tapos gagamitin nya na din.
"Babe.. lalim ng iniisip mo ha?" magkatabi kami ni Gino ngayon.
Nandito kami sa sala, namimili ng bulaklak, saka ng mga kung ano-ano pa para sa kasal.
"Babe.. okay ka lang ba?" tinatap nya ung likod ko ng mahina.
"Ah- eh- oo. Napapaisip lang.." sumimangot sya.
"Wag mong sabihing nagbaback-out ka sa kasal natin.. Hindi kita papayagan at pakakawalan." pagbabanta nya pa.
*PAK*
"Aray babe! Brutal mo!" sabi niya habang hinahaplos ung ulo nya.
"Abnormal ka kasi! Nag-iisip lang ako. At tsaka hinding-hindi din kita pakakawalan no." sabi ko tas balik tulala ulit.
"Babe!" sabi nya sabay snap ng fingers nya sa harapan ko.
"A-ano? B-bakit?" nauutal-utal kong tanong.