Chapter 10: Byahe
--*--
Mikay's POV
Kasalukuyan kong chinecheck ang mga bagahe ko. Isang maleta lang, isang backpack ang dala ko at isang sling bag ang dala ko. Sabi kasi nila Mama, doon na kang daw ako mamili. Marami namang mumurahing shops dun.
Tinulungan nila akong ibaba sa sala yung mga gamit ko.
Naupo kaming apat at napuno kami ng katahimikan. Unang nakabawi ay si Kambal.
"Mag-ingat ka dun." Simpleng sabi niya. Napangiti ako.
"Syempre naman."
"Mamimiss kita." Mahinang bulong ni Andrea. Bigla naman niya akong niyakap at humagulgol. Napayakap din ako sakanya.
Natawa ako ng konti. Ang drama namin. "Mamimiss ko kayo."
Sumali naman si Mama at Kambal sa yakapan namin.
"Lagi po akong magsaskype. Tsaka pwedeng, pa-viber or we chat na kang tayo? Mahal kasi yung roaming diba?"
Natawa naman sila sa sinabi ko.
Natigil kami ng biglang may nagdoorbell. Si kambal ang tumayo at lumabas para icheck.
Hinihingal siyang bumalik. "Nandiyan na ang sundo mo."
Tumango ako at tumayo. Tumulong silang ilabas ang gamit ko.
"Huhu! Bru! Mamimiss talaga kita!!" Sabi niya sabay yakap ulit sakin. Nandito na kami sa labas ng gate.
"Ako din lukaret ka!!"
"Mikay.." Napabitaw ako kay Andrea at bumaling kay Kiko na agad akong niyakap. "Mamimiss kita."
"Lalo ako." bulong ko bago humiwalay.
"Anak, mag-iingat ka dun ha? May jacket ka bang dala? Malamig dun." niyakap din ako ni Mama. Ngayon tuloy napapaisip. Tutuloy ba ko?
"Aye, aye!" Sabi ko at sumaludo pa. "Mag-iingat po ako, kayo din po." Bumaling ako kay kambal. "Wag pabayaan sila Mama ha?"
Tumango lang siya bilang sagot.
"Sige na. At baka mahuli ka pa sa flight mo." paalala ni Mama.
"Babye! Magsaskype po ako lagi! Ingat!" Pahabol ko bago umandar ang van.
Agad akong napasandal at napahawak sa tiyan ko.
"Baby, kaya natin 'to." bulong ko.
--
Gino's POV
Nandito na kami ngayon sa airport. Boarding na. Pero eto si Mikay, tulala parin. She still haven't accepted na iiwan niya ang pamilya niya. Sa totoo lang, we don't have to do this. Papanagutan ko naman si Mikay at ang bata kahit nandito kami sa Pilipinas. But I'm worried about her safety. Ayokong ibash siya or icriticize ng mga tao dito.
Kapag nanatili kami dito sa Pilipinas, hindi mapipigilan ang mga issues. It's not just me and the company I'm thinking about. It's also her and our baby's welfare.
"Mikay, you can still back out. Kung ayaw mo talaga, it's okay. Gagawan ko na lang ng paraan. Just for you to be okay."
She looked at me. Her eyes filled with tears. Then.. she hugged me.
"*sniff* Hindi ko alam kung dala lang ba to ng pagbubuntis ko kaya emotional ako.. pero mamimiss ko sila. Ngayon lang ako mahihiwalay sakanila ng matagal. *sniff*" niyakap ko naman siya pabalik habang hinahagod ang likod niya.
"Cry as much as you want.. pero last na to ha? I don't want to see you crying.." bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang luha niya. "Baka sabihin nila inaaway kita." napangiti siya ng konti at pinalo ako.
"Tss. Epal ka."
"Calling flight M-I-G-I-1-4-3, please proceed to the departure area." Inalalayan ko siyang tumayo.
"There's no backing out when we step inside the plane, a'right?"
She gulped bago tumango. "Alright"
--
Mikay's POV
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa magtake off ang eroplano. Nasabi niya din na may mga stop over bago pa kami makarating sa US. Kailangan daw yun para mabawasan ang jet lag.
"Oh." sabi niya at inabutan ako ng isang tupperware ng mangga.
"Wow! Mangga!" excited kong sabi at agad na hinablot sakanya yung tupperware.
Natawa naman siya at bumulong, "Isip bata."
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pero agad din napalitan ng pagtataka. "Akala ko, ayaw mo ng mangga?"
"Nadaanan ko lang yan kahapon. E, naalala kita. Buti nga binilhan pa kita e."
"Nanumbat pa! Edi salamat! Hmp." pagsusungit ko.
"Eto naman hindi mabiro! Joke lang eh." tapos kinurot niya yung pisngi ko.
"Awch!" pagrereklamo ko. Tumawa lang naman siya.
"Shh. Ang ingay mo."
"Ewan." at hindi ko na siya pinansin for five minutes. "Oh." sabi ko at binalik sakanya yung tupperware.
"Wala man lang salamat?"
"Edi, salamat pooooo!" Asar ko.
Umayos na ako ng upo, sumandal at pumikit.
"Mikay.." Napadilat ako at napalingon sakanya at nakitang nakaturo siya sa balikat niya.
"Huh?"
"Humiga ka. Para maayos kang makatulog."
"Hindi na." Sagot ko tapos pumikit na ko ulit. Bigla nya kong hinila tapos napalean naman ako sakanya.
"Arte pa eh." hindi na ko dumilat at tuloy-tuloy na lang matulog.
--
Gino's POV
Kumpara sa Palawan ay napakatagal ng byahe namin ngayon kaya pinagpahinga ko muna si Mikay.
Nilabas ko yung libro na binabasa ko para magpalipas ng oras.
Maya maya lang nakaramdam na din ako ng antok kaya sumandal na lang ako sa bintana at natulog. Pero bago pa ko tuluyang makatulog ay naramdaman ko ang panginginig ni Mikay.
Tinignan ko naman siya at napansin ang manipis niyang jacket. "Tss. Ang nipis kasi ng jacket." kinuha ko ung isa kong jacket at ginawang parang kumot nya. "Hay. You're so stubborn."
Inadjust ko na din yung aircon para hindi nakatapat sakanya.
After that, natulog na din ako. Mahaba-habang byahe 'to.